Ang buong Sambayanihan po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong kooperasyon sa nagdaang panahon ng Adbiyento at Pasko. Sa ating mga panauhing pari at sa mga nagpasinaya (sponsors) at mga dumalo sa ating Simbang Gabi (Dec. 15-23), sa pakikinig sa mga awiting pamasko (caroling), at nakibahagi sa abot ng kanilang makakaya at sa Bihilya ng Pasko noong ika-24 ng gabi, hangad po namin ang inyong maluwalhating paglalakbay tungo sa landas ng pagpapakabanal hanggang sa sumapit ang kaganapan ng paghahari ng ating Poong Maykapal kapiling ang mga anghel at banal sa kalangitan.
Diyos mabalos!!! Amen!
No comments:
Post a Comment