Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, December 1, 2007

LANDAS NG PAGPAPAKABANAL

Sulat Pastoral ng Kapulungan ng mga Obispong
Katoliko ng Pilipinas-Sa mga Pilipinong Katoliko
(Hulyo 1999)

70. Sa bagong Katesismo ng Sambayanang Pilipino (CFC, #34-44), nilagom ang paglalarawang ito ng Pilipinong kalooban sa limang mga katangian. Tayo daw ay 1) nakaugat sa pamilya, 2) mahilig sa salo-salo, 3) batbat ng pasakit at sanay sa pagdurusa, 4) nagpapahalaga sa mga bayani at sa kabayanihan, at 5) nakababad sa mundo ng mga espiritu. Dito umiikot ang ating loob-sa-Diyos. Kumbaga sa diyamante, ituring nating tapyas ang bawat isa sa mga katangiang ito, na nagpapakislap sa alahas ng pananampalatayang Pilipino. Sisikapin nating mawari ang bawat tapyas na ito.
Pamilya
71. Kung maaari lang hiwain ang kalooban ng bawat Pilipino, hindi kataka-takang matuklasan sa ubod nito ang mga pangunahing mga karakter na humubog sa kanyang pagkatao: si inay, si itay, kuya, ate, sangko, sanse, diko, ditse, mga kamag-anak at malapit na kaibigan. Silang lahat ay nakarugtong sa pamamagitan ng isang matibay na lubid ng “pinagsamahan”. Sa pamilya natin namana ang pananampalatayang nakagisnan. Pamilya din ang unang nagmulat sa atin sa maraming mga kaugaliang nagtataglay ng ating “loob-sa-Diyos”. Hindi marahil kalabisan na sabihing ang buklod ng pamilya ang nagsisilbing pangunahing dahilan ng pagkakabuklod ng Pilipino sa Diyos. Ang Diyos ay laging may kinalaman sa mga Gawain, ugali, at mga paniniwalang iminulat sa atin ng ating mga magulang at ninuno. Kung malakas ang ating pagkapit sa mga paniniwalang ito, maaring ipinahihiwatig nito na malakas pa rin ang ating pagkapit sa pamilya. Ang pagtataksil dito ay pagtataksil din sa pamilya.

72. Ito ang madalas hamunin ng mga charismatic movements dito sa atin, at may punto din sila, kahit paano. Madalas nilang itanong kung tinatanggap na nga ba natin si Hesus bilang ating personal na Panginoon at Manunubos. O baka ang anumang pinanghahawakan nating paniniwala ay nakabatay pa rin sa katapatan sa pamilya at hindi sa isang dalisay na pagtataya ng kalooban at pananagutan?

73. Napakalakas ng buklod ng pamilya sa atin. Isang buklod na bagama’t may maraming naidudulot na kabutihan ay siya rin naming madalas maging dahilan ng ilang mga taliwas na gawain ng Pilipino. Maging tama man o mali, kung alang-alang sa kapatid, sa pamilya o kamag-anak ay makakayanang gawin ng maraming Pilipino. Sa isang punto, nagsisilbi na rin ito bilang isang bulag na katapatan sa nagiging sanhi ng maraming kabalintunaan at taliwas na gawain sa lipunan, maging sa larangan ng ekonomya, pulitika, at kultura.

74. Kung kay Kristo ang landas na nais nating sundin, kailangan din nating hamunin ang kung minsa’y nagiging malabis at di-angkop na katapatan sa pamilya, kung paanong hinamon niya ang kanyang sariling pamilya na kilalanin ang ibang tao, maging ang mga kapus-palad at makasalanan bilang kabahagi rin ng mas malawak na pamilya: ang pamilya ng Diyos. “Sino ang aking mga kapatid at magulang? Naririto — ang tumutupad sa kalooban ng aking Ama sa langit ay kapatid at magulang sa akin.” (Markos 3:31-35). Itutuloy...

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007