Sa Linggong ito bago natin ipagdiwang ang kapistahan ng Kristong Hari na siya naming huling Linggo sa liturhikal na kalendaryo ng Simbahan, bumubulaga sa atin ang dalawang magkaugnay na tema ng “pagkawasak” at “pagwawakas”. Sa pamamagitan ng apokaliktikong pangungusap, inilalahad ni Hesus ngayon ang nalalapit na pagkawasak ng Templo ng Jerusalem: “Darating ang mga na walang matitirang magkapatong na batong sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat” (Lc 21:6). Tunay na nakapangingilabot ang magaganap ng mga digmaan, malalakas na lindol, panahon ng pagkagutom, mga salot, at mga kaguluhan sa kalawakan (bb.10-11). Pagkatapos ng lahat ng mga ito ay darating naman ang pagwawakas ng daigdig. Hindi man “agad,” tiyak”namang darating din ito.
Likas na nakakatakot ang pagkawasak at nakalulungkot naman ang pagwawakas. Ngunit hindi namankinakailangang pagkatakot at at kalungkutan lang ang mamayani sa atin sa ganitong mga pagkakataon. May mga bagay o ugnayang nawasak o nasira na maaari pang mabuong muli. Ang pira-pirasong bahagi ng laruang nasira ng bata o ng bahay na giniba ng bagyo ay maaari pang pulutin, tipunin, pagdikit-dikitin hanggang sa mabuong muli. Gayundin ang pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa. Ang nawasak na tahanan, pagmamahalan o pagkakaibigan ay maaari pa ring muling mabuo sa pagpapala ng Diyos at kung handang umunawa, magpatawad at makipagkasundo ang mga taong nasasangkot. Hindi ito laging madali ngunit maaaring gawin kung talagang gugustuhin. Kapag nabuong muli ang dating nawasak na pamilya o pagkakaibigan, maaari na itong magpatuloy tulad ng dati o maaaring mas mabuti pa kaysa dati. Matapos wasakin ni Pedro ang pagkakaibigan nila ni Hesus sa pamamagitan ng tatlong ulit din naming binigyan siya ng pagkakataong ipahayag muli ang pag-ibig niya sa Panginoon. Ang “naligaw na tupa” ay hinirang pang “pastol ng mga tupa”(Jn 21:15-17).
Ngunit maaari ding ang bagay o ugnayang nawasak ay hindi na mabuo pang muli at talagang humantong na sa katapusan o hangganan. Ganun pa man, hindi kinakailangang habang-buhay na magdalamhati o magmukmok; habang may buhay, may pag-asa at marami pang maaaring gawin. Naalala ko tuloy ang sinabi ng dati kong guro ng seminaryo. “Ang buhay ng tao ay isang hanay ng pagsisimula at pagtatapos. Bawat simula ay isang paglalakbay patungo sa katapusan at ang bawat katapusan ay naghuhudyat naman ng panibagong simula.” Maaaring magtayo ng “bagong” bahay, maghanap ng mga “bagong” kaibigan, maghanap ng “bagong trabaho… Ang namatayan ng asawa ay maaaring magsimula ng isang “bagong” pagmamahalan. Sinumang kabilang kay Kristo, ayon kay apostol Pablo, ay isa nang “bagong daigdig” (2 Cor 5:17). Sa katunayan, hindi na siya ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa kanya (Gal 2:20)
Sa bandang huli, ang Mabuting Balita ng pagkawasak at pagwawakas ay ito: magkakaroon ng “bagong langit at bagong lupa”…”Nasa piling na ng mga tao ang Tirahan ng Diyos. Maninirahan siya sa piling nila...at papahirin niya ang lahat ng luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan at wala ng pagluluksa, pag-iyak at paghihirap, sapagkat nawala ang dating mga bagay” (Pag 21:3-4) (Tingan Katesismo para sa Pilipinong Katoliko, blg 2079).
P. Emil Urriquia

No comments:
Post a Comment