82. Kay Kristo, ang kabayanihan ay hindi na panawagan sa iilan lamang kundi para sa lahat. Ito’y nagsisimula sa pagtanggap sa ating abang kalagayan bilang karaniwang tao at mamamayan na hinahamon niyang tumulad sa kanya sa pagpapakumbaba, sa paglilingkod, at sa pag-aalay ng buhay alang-alang sa kapwa. (Filipos 2:6-11) Katulad ni San Pablo, tayo rin ay nasisiraan ng loob sa ating mga kahinaan sa gitna ng paghahangad sa kabayanihan. “Ang alam kong mabuti ay hindi ko magawa, at ang alam kong masama ang nagagawa ko… Sino ang magliligtas sa aba kong kalagayan?” (Roma 7:19,24) Dahil hindi natin mapagsama ang kahinaan at kabayanihan tulad niya, nais nating hilingin na mawaksi sa atin ang kahinaan. “Binigyan ako ng tinik sa laman, upang hindi ako maging hambog… Tatlong beses kong hiniling sa alisin niya ito sa akin, ngunit ang sabi niya sa akin: sapat na sa iyo ang biyaya ko, sapagkat sa kahinaan nagiging ganap ang lakas.” (2 Corinto 12:7-8).
Espiritu
83. Bahagi ng ating abot-tanaw bilang Pilipino ang paniwala sa mga espiritung sumasanib sa mga lugar, sa mga tao at mga bagay-bagay. May mga espiritu sa kalikasan, mga espiritu ng yumao na bumabalik at nagpaparamdam, espiritu ng mga ninuno, espiritu ng mga santo’t santa na sumasanib sa mga makagiliwan ng mga ito at nagdudulot ng lakas na magpagaling sa maysakit. Mayroong mabuti at masamang espiritu. Nabanggit natin sa naunang bahagi ng sulat na ito ang kahiligan ng Katolikong Piliupino sa pagpapabasbas ng halos kahit ano, na ang karaniwang hangarin ay ang pagpapalayas pa rin ng maligno, tikbalang, aswang, multo, kamalasan at iba pang masasamang espiritu. Para sa atin, ang mga banal na larawan na nabasbasan ay nagtataglay na ng mabuting Espiritu kung kaya’t nagiging mahalagang sangkap ng ating buhay, tulad ng palaspas sa mga bintana ng bahay, mga istampita ng Holy Name sa mga pintuan, rosaryong nakalawit sa may salamin ng sasakyan, eskapularyo sa leeg, panyolitong El Shaddai sa bulsa, atbp. Noon pa man, bago dumating ang mga misyonero, taglay na ng ating mga ninuno ang pangamba sa masasamang espiritu at kahiligan sa mga anting-anting bilang panlaban sa mga ito. Ang pakikihamok sa mga espiritu sa paligid bilang normal na bahagi ng ating mundo ay isang bagay na hindi kailanman binura ng Katolisismo. Bagama’t may agam-agam tayo tungkol sa bagay na ito, nabanggit na natin na hindi rin marahil angkop na basta na lamang itatwa ito bilang pamahiin ng mga walang pinag-aralang mga Katolikong Pilipino, sapagkat kapansin-pansin ito kahit na sa mga Pilipinong mataas ang pinag-aralan. Sa kabila ng ating hindi-pagkapalagay sa ganitong umiiral na kaisipan sa modernong panahon, kailangang aminin na ang mismong Banal na Kasulatan ay puno ng ulat tungkol sa tunggalian ng masasamang espiritu at mabuting espiritu.
84. Sa malakas na kontekstong animista, na ating kinabibilangan bilang Pilipino, marahil nararapat lamang na mapalalim pa ang ating pag-unawa sa pangunahing papel na ginagampanan ng Banal na Espiritu na ating natanggap sa binyag bilang kaloob ng Diyos Ama sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristong muling nabuhay: na ito’y Espiritung nagdudulot ng paglaya mula sa pagkaalipin na bunga ng pagkakasala (Roma 8:14-17), Espiritung nagbubuklod sa atin bilang isang pamayanang kumakatawan kay Kristo (1 Corinto 12:4-31) at nagpapatuloy sa kanyang gawaing pagliligtas.

Itutuloy…
No comments:
Post a Comment