Salu-salo
75. Para sa isang bansang kilalang mahirap, isang sorpresa para sa maraming dayuhang bisita ang matuklasan na napakadalas kumain ng Pilipino. Lahat na lang yata ng importanteng pagdiriwang ay may kasamang salo-salo at kainan. Bukod ditto, mahalaga sa atin ang pagtanggap sa mga bisita at pag-anyaya sa kanila na kumain at makisalo kahit biglaan o hindi inaasahan ang kanilang pagdating. Malaking bagay, lalo na sa mga maralita kapag ang panauhin ay nakisalo sa kanilang “konting nakayanan”.
76. Hindi tayo nalalayo sa abot-tanaw na Hudyo pagdating sa pagpapahalagang ibinibigay natin sa pagsasalo. Katulad nila, sa pagsasalo din lumilitaw ang mga likas nating ugali. Hindi rin tayo basta nakikisalo sa hindi natin kamag-anak, kaibigan, katoto, kauri. Kaya’t kapansin-pansin sa ating mga handaan kung sino-sino ang magsasama-sama at magkukumpol-kumpol. Taglay din natin sa ating kultura itong napakalakas na kahiligan sa pagkakanya-kanya ng magkakadugo, magkakabarkada, magkababayan, magkauri, atbp. At ang kaisipang ito mismo ang hinahamon ng kakaibang uring pagsasalo sa hapag ng Panginoon sa Eukaristiya. Hinahamon ng Eukaristiya ang anumang umiiral na hidwaan at pagkakanya-kanya batay sa pinag-aralan, sa kariwasaan sa buhay, o sa katapatan sa partido, o anumang samahan. (1 Corinto 11:17-26) Kung ang diwa ng Eukaristiya ay komunyon, o pagkakaisang-diwa, nararapat lamang na maging batayan ito upang unit-unti nating mabuksan ang ating mga pagsasalo sa mga taong “iba-sa-atin”.
Pagdurusa
77. Hindi kaila sa buong mundo na isa tayo sa mga pangunahing bansang batbat ng mga kalamidad na pang-kalikasan: bagyo, lindol, baha, bulkan, lahar, atbp. Bukod pa ito sa katotohanang nakatitik na sa ating kasaysayan na tayo’y isang baying dumanas ng kaapihan sa kamay ng mga dayuhan—mga Kastila, Amerikano, Hapon, at ng sariling kababayan—tulad ng nakaraang diktadura. Batbat din tayo sa kahirapang dulot ng taliwas na sistemang panlipunan sa siyang deahilan kung bakit nananatiling dukha ang nakararami. Sa madaling salita, sanay tayo sa hirap, dusa at sakit at hindi dahilan ang alinman dito upang hindi na ngumiti, magbiro, magdiwang at magsaya ang Pilipino. Kahit mga dayuhan ay namamangha sa kakayahan nating magbata ng hirap at tiisin. Madalas, may kinalaman din ito sa lakas ng suportang nagmumula sa pamilya. At tulad ng natalakay na sa naunang bahagi, malaking tulong din sa atin ang pananampalataya, lalong-lalo na ang pagdulog sa larawan ng Panginoong Hesukristo (at ng Mahal na Birhen) na nakikiramay sa ating pagdurusa. Tulad ng madalas ipahayag ng ating mga kundiman, may tamis din ang magdusa hangga’t ito’y may dahilan. At madaling hanapan ng dahilan ng Pilipino ang kanyang mga pagdurusa. Pangunahin na rito ang pagyakap sa dusa bilang pagsubok ng Diyos, o bilang tadhana at kapalaran.
Itutuloy ...

No comments:
Post a Comment