78. Sa aspetong ito, may punto rin ang mga pumupuna sa ating kahiligang itampok ang krus na para bang sa Biyernes Santo nagtatapos ang Mahal na Araw at wala nang muling pagkabuhay. Hindi kailanman inaayunan ng ating pananampalataya ang isang malagim na pagyakap sa sakit, dusa, at kamatayan na hiwalay sa matagumpay na gawaing pagliligtas ng Panginoong Hesukristo. Hindi rin kailanman pinahahalagahan ng ebanghelyo ang karukhaan at kadustaan na hiwalay sa pagtuklas sa kayamanang isinasagisag ng Kaharian ng Diyos. (Mateo 5:1-12; 13:44)
79. Sa marami sa ating mga kapwa Pilipino, kung gayon, nararapat lamang na ipahayag na hindi kalooban ng Diyos na sila’y isilang na api at naghihikahos. Hindi tamang ayunan ang “isip-dukha” na dali-daling yumayakap sa dusting kalagayan bilang kapalaran: “mahirap lang po kami, wala po kaming pinag-aralan, walang-wala po kami…” Sa ganitong pag-iisip, magandang babala ang talinghaga ng mga katiwalang pinagkatiwalaan ng iba’t-ibang halaga. “Sapagkat napagkatiwalaan ka sa maliit na halaga, ngayon nama’y pagkakatiwalaan kita sa mas malaki…” (Mateo 25:14-30)
Kabayanihan
80. Hindi “karaniwang tao” ang tingin natin sa mga bayani at martir. Malakas sa atin ang kahiligang itampok sila sa pedestal bilang kakaiba sa atin. Kaya marahil mas marami sa ating mga Pilipino ang “tagasunod” lamang. Madali sa atin ang sumunod sa mga pinunong nagpapakita ng kabayanihan at pagka-martir. Mahirap ang tumalima sa isang “kapwa” lamang natin sa kahinaan at karupukan. Marahil isang dahilan ito kung bakit isang bagay na kinatatakutan ng marami ang maglingkod bilang lider o pinuno, kahit na may kakayahan pa sila. Mataas ang inaasahan sa pinuno kung kaya’t iniiwasan ang pananagutang ito. Malakas din sa atin ang takot na magkamali at mapahiya. Hindi madali para sa atin ang tanggapin ang kahinaan, pagkakamali at kahihiyan ng mga itinuturing nating bayani at martir.
81. Sa Kristong Hari, sa Mahal na Birhen, sa mga santo’t santa, nakakatagpo tayo ng mga bayaning huwaran sa buhay. Subalit napakalakas din ng kahiligan nating ipakalayo-layo sila sa ating sarili, itampok sila sa napakatayog at makalangit na pedestal na hindi natin maabot at sapat nang haplusin natin upang tayo’y mabahiran man lamang ng kanilang kabanalan at kabayanihan. Sa aspetong ito’y malayo pa tayo sa tunay na diwa ng pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos; sa kanyang pakikiisa sa ating abang kalagayan. Sa madaling salita, dahil nagsimula tayo sa pagpapalagay na ang Panginoong Hesukristo ay Diyos, kaya nating tanggapin na siya’y naging tao. Ngunit kung tayo rin marahil ay nalagay sa sitwasyon ng mga sinaunang Hudyo, hindi malayong mahihirapan din tayong tulad nila na maaninag kay Hesus ang Diyos dahil sa isang abang “kapwa-tao” lamang ang tumambad sa kanilang paningin. “Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, kapatid nina…” (Markos 6:3)
Itutuloy…

No comments:
Post a Comment