Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Sunday, December 23, 2007

LANDAS NG PAGPAPAKABANAL

Gabay sa Pagninilay at Diskusyon
1. Papano maiiwasan ang mga kalabisan sa ating pagbibigay halaga sa pa milya, salu-salo, pagdurusa, kabayanihan, at espiritu?
2. Sa papaanong paraan natin maaring itaguyod ang mga kahalagahan ng pa milya, salo-salo, pagdurusa, kabayanihan, at espiritu upang ang mga ito ay maging tapat sa kalooban ng Pilipino, at nang sa gayo’y magsilbi ang mga ito sa pakikipagtagpo sa kalooban ni Kristo.
3. Papaano sinisira o pinalalakas ng ating kasalukuyang kalagayang pam pulitika, pang-ekonomiya at pangkultura ang mga kahalagahang ito.

III. PAMANTAYAN SA PAGPAPAKABANAL: ANG LANDAS NI KRISTO
Isang Halimbawa
88. Pagsunod sa landas ni Kristo. Ito - sa pagkakaunawa naming - ang pinakabuod ng layunin ng pagpapakatao at pagpapa-kabanal para sa Kristiyano. Ito ang pinakabuod ng pagpapaka-Kristiyano: paano ba magpakatao at magpakabanal ayon sa halimbawa ng Panginoong Hesukristo? Bilang mga alagad niya, ang layuning ito’y dapat nating hangarin hindi lang para sa ating mga sarili at mga pamilya, kundi para na rin sa ating mga sama-han, sa ating mga kilusan, sa ating lipunan, sa ating bayan, at - marahil, kahit paano - para na rin sa buong sangkatauhan. Lagi’t lagi, ugaliin nating balikan, gunitain, at unawain ang halimbawang ito.

89. Noon pa man, hindi nabura sa alaala ng mga sinaunang alagad Niya nang minsan isang gabi, sa gitna ng hapunan ay hinugasan Niya ang kanilang mga paa. Isang bagay na ikinasindak nila ito dahil gawain ito ng mga alipin. Ayon kay San Juan, sinabi daw Niya: “Nauunawaan ba ninyo ang ginawa ko sa inyo? ‘Amo’ at ‘Panginoon’ ang turing ninyo sa akin… Kung ako na amo ninyo at panginoon ay naghugas sa inyong mga paa, sana kayo rin, magawa ninyong hugasan ng paa ang isa’t isa. Isang halimbawa ang iniwan ko sa inyo na sana’y gawin din ninyo kung paano ko ginawa sa inyo.” (Juan 13:12-15)

90. Sa halimbawang ito’y ipinahayag ng Panginoon ang kalooban Niya, ang landas Niya. Sa naunang bahagi, sinikap naming ilarawan ang kalooban natin, ang landas natin - na sa maraming mga paraan at pagkakataon ay nagkurus na sa landas ni Kristo, nakatagpo na ang kalooban ni Kristo. Ngunit tulad kay Pedro, hindi rin laging malinaw sa atin ang landas na ito. Tulad niya, nais nating itanong kung minsan, “Panginoon, bakit mo huhugasan ang paa ko?” Ipinahayag lang ni Pedro ang tapat niyang saloobin, ang tunay niyang pagkagimbal sa nais gawin ng kanyang Guro at Panginoon. Alam niya ang ibig gawin ng Panginoon, ngunit hindi niya matanggap, hindi niya mapangyari dahil hindi niya lubos maunawaan. Tayo rin - alam na natin kahit paano, ngunit kailangan nating marinig kung bakit.
Itutuloy...

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007