Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, December 29, 2007

Landas ng Pagpapakabanal

Sulat Pastoral ng Kapulungan ng mga Obispong Katoliko ng Pilipinas-Sa mga Pilipinong Katoliko

91. Kaya’t sa bahaging ito, sa ngalan ng Guro at Panginoon na naghugas din sa aming mga paa, hayaan ninyo kaming mangahas na bigkasing muli ang kalooban Niya, iguhit muli ang landas Niya. Anong uri ng landas ang landas ni Kristo? Ito ang aming pinaninindigan bilang “matatanda”: ang pagpapakabanal ay ang patuloy na pakikipagtagpo sa kalooban ni Kristo. Samakatuwid, ang buhay-kabanalan (spirituality) ay buhay-pakikipagkapwa-kalooban kay Kristo.

Pagpupuno (Juan 2:1-11)
92. Itinuro Niya ito sa kasalan sa Cana, Galilea. Itinuro Niya kung ano ang dapat gawin kapag tayo’y naubusan ng alak. Di ba’t napakadalas din nating “maubusan ng alak” sa buhay natin? Di ba’t sa buhay natin, sa pamilya, sa pamayanan, sa lipunan - kung minsan, o madalas - para tayong nasasaid, para tayong nauubusan ng alak ng pang-unawa, alak ng tiyaga, alak ng patawad, alak ng malasakit? Sa mga sandaling ito, kailangan nating matutunan ang landas ni Kristo. Ano ang dapat gawin kapag naubusan ng alak?

93. Ang unang sagot ay mula sa Mahal na Birhen: “Gawin ninyo ang ipag-utos niya sa inyo.” Ito ang ibubulong ng inang mapagmalasakit. Lagi at lagi, siya ang unang makapupuna sa ating problema, katulad ng ating sariling ina. Kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang siya kamahal sa atin. Ngunit hindi siya mismo ang lulutas sa problema. Ilalapit niya tayo sa anak niya at bubulungan nang buong giliw at pagtitiwala: Gawin mo ang ipag-utos ng anak ko. Ituturo niya sa inyo ang paraan: “Punuin ninyo ang mga bangang walang laman.”

94. Sino’ng Pilipino ang hindi nakakaalam sa paraang ito, na sa kasamaang palad ay madalas lamang nating malimutan? Di ba’t sinasabi natin, “Kayo na po ang bahalang magpuno sa aming pagkukulang.” Ito ang landas ng pagpupuno. Kahit tubig na lang na walang lasa at espiritu ang natitira, magpuno. Hangga’t kaya pa nating magpuno, hangga’t kaya pa nating ibigay, ialay ang natitira sa atin, may kalutasan pa rin ang anumang suliranin. Siya ang magbibigay ng bagong lasa, bagong espiritu sa ating tubig upang ito’y maging alak na masarap.

Paglalakad sa Tubig (Mateo 14:23-33)
95. Itinuro Niya ito sa may lawa ng Tiberias, nang minsa’y inabot ng bagyo’t unos ang mga alagad habang sila’y naglalayag, at si Hesus nama’y nasa bundok, nananalangin. Lumakad siya sa tubig. At niyaya din Niyang lumakad sa tubig si Pedro. Hindi nga lang siya kaagad natuto. Mahalagang aral ito lalo na sa ating mga Pilipinong batbat ng mga kalamidad sa buhay. Madalas din nating matagpuan ang sarili sa gitna ng mga bagyo’t unos ng buhay, at tulad ni Pedro, para tayong lulubog dahil sa takot.
Itutuloy...

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007