... by L.V.L.
Humigit kumulang isa’t kalahating taon na ang lumipas, Parang hangin lamang na nagdaan ang panahon.Maraming nagbago..dumating sa buhay ko, Dumaan…...nanatili…..nawala…….
Pero sa lahat ng mga nangyari...sa lahat ng mga nagbago, Sa lahat ng mga natutunan at nakaligtaang mga bagay, Me isang tanong na umuukilkil sa aking isipan, Kilala pa ba kita?
Nahan na ang iyong mga ngiti habang lumalakad sa tumana? Ang iyong mga halakhak habang tumatakbo sa pumapatak na ulan?
Ang iyong mga tingin na bumabaon sa aking kaluluwa, kapag may nagawa akong kamalian,
Dahil sa iyong paniniwala na ang lahat ay mabuti.
Nahan na ang iyong suporta at tapik sa balikat?
Kapag ako ay pilit na inilulugmok ng mundo sa problema, Ikaw na pinagkukunan ko ng lakas, tila iniwan mo na ako, Oo, alam ko marami nang nagbago
Pero iniisip ko pa rin, dapat bang humantong sa ganito? Tama bang maglaho ang taong nakilala ko? Sa matagal na panahon, pinipilit ko pa ring hanapin…Ang taong dating kilala ko.
Nahan ka na? na naniniwala na ang bawat tao ay mabuti, At nakagawa lang ng kamalian dahil sa bugso ng damdamin, At sa udyok ng mundong kanyang ginagalawan, Ikaw pa rin ba ang taong naniniwala na pag-ibig ang nagpapaikot sa mundo?
Na lahat ay kaya mong gawin para lang sa taong minamahal mo, Ikaw pa rin ba ang taong mapagsasabihan ng problema ko? Na nagpapayo at nakikinig, nakikiramdam kahit wala akong masabi
May oras na maupo sa aking tabi kapag pasan ko na ang mundo.
Sana’y ikaw pa rin ang taong nakilala ko na di makasarili, At isinasakripisyo ang pansariling kapakanan para sa ikabubuti ng iba, Ikaw pa rin ba ang taong at nagsadabing di ka pag-iisipan at di gagawan ng masama? Marami akong hinahanap na tila nawala na.
Pero alam ko na nariyan pa rin ang taong dating nakilala ko at nakilala ng iba, Sana ay ikaw pa rin ang taong nagpapasaya ng mga mumunting bagay, Naglalaro ng tumbang preso, nagpapalipag ang alipapayo, naglalaro ng siyato, Ikaw pa rin sana ang taong nakilala ng labing-isang barkada mo nung tinutuklas mo pa lang ang mundo.
Alam ko, lilipas ang panahon, tatanda din tayo…
Mag-iiba ka oo...sa iyong paniniwala Pero lahat lahat nang mga katangian na dati ay nasa iyo ay mananatili, Dahil alam ko, ikaw pa rin ang taong kilala ko.
Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Tuesday, October 2, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment