Ni: Michael Cruz
Ano ba ang dahilan kung bakit madalas tayo magkasala?
Ano ba ang dahilan kung bakit madalas tayo magkasala?
Hindi ba natin alam kung bakit tayo nag-aalinlangan sa landas ng kabutihan?
At kung isa rin tayo sa mga nagsasabi sa Panginoon, tulad ng isang makata,
At kung isa rin tayo sa mga nagsasabi sa Panginoon, tulad ng isang makata,
“Bukas kami ay magsisimula”, ngunit kinabukasan ay iyan muli ang ating sinasabi?
Sapagkat di natin namamalayan na lubhang malayo na tayo sa kalooban ng Diyos.
Sapagkat di natin namamalayan na lubhang malayo na tayo sa kalooban ng Diyos.
Nawawalan na tayo ng pananampalataya
at lubusang hindi natin nakikilala kung sino Siya at ano Siya.
Kung talagang nais nating S’ya’y makilala at ibigin,
ito na ang sandali upang magbago at magbalik-loob sa Kanya.
Ito na ang sandali upang magpasakop sa Kanya.
Ito na ang sandali upang talikdan at iwanan ang mga nagawa nating kasalanan,
at tuluyan na itong iwanan ng paglipas ng nakaraang taon!!!
Kailangan nating bigyan ng tuldok ang lahat ng pasakit na ibinibigay
Kailangan nating bigyan ng tuldok ang lahat ng pasakit na ibinibigay
at ipinapasan natin sa Kanya.
Marami na ring nagbuwis ng buhay ng dahil sa sunod-sunod na trahedyang naganap.
Wala ng katiwasayan ang mundo.
Tao laban sa kapwa tao, bansa laban sa kapwa bansa, tao laban sa kalikasan,
nakalulungkot, nakakatakot, nakapanlulumo…
Ito ba ang nais nating kagisnan ng mga susunod na henerasyon?
Tama na, kailangan na natin ang pagbabagong gagawin ngayon.
At hindi bukas o sa susunod pang bukas.
Sadyang pagbabago ay napakahirap,
Sadyang pagbabago ay napakahirap,
subalit ito ang tanging susi tungo sa kabutihan at kapayapaan ng mundo.
Ang pagbabago at pagbabalik-loob ay magsisimula sa ating sarili,
sa loob ng pamilya ay magtataglay ito at magsisilbing bukold
upang makamit natin ang kapayapaan.
Ibigay natin ang ating puso at kaluluwa,
Ibigay natin ang ating puso at kaluluwa,
hayaan ang Espiritu Santo ang sumakop ng buong pagkatao,
upang Siya ang maging tanglaw at liwanag ng buhay natin doon.
Magsisimula ang tunay na pagbabago sa pamamagitan
ng Espiritu Santong ipinadala ng Panginoon
at muling magniningas ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Ang Diyos na sinasampalatayanan natin
ay mananahan na walang hanggan sa puso at kaluluwa.
Hindi man natin nakikita’t namamasdan ng ating mga mata,
Hindi man natin nakikita’t namamasdan ng ating mga mata,
mararamdaman natin ang Kanyang presensya
sa pamamagitan ng lubos na pananalangin.
At manalig tayo na ipagkakaloob N’ya sa atin
na maging makatotohanan sa ating pagninilay at pag-iiral sa mundong ibabaw.
Nawa’y biyayaan N’ya tayong maisagawa ang lahat ng ito
na naaayon sa Kanyang kalooban at pagpapasiya.
No comments:
Post a Comment