Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Sunday, October 28, 2007

LANDAS NG PAGPAPAKABANAL

Sulat Pastoral ng Kapulungan ng mga Obispong
Katoliko ng Pilipinas -Sa mga Pilipinong Katoliko
(Hulyo 1999)

Fatima, Lourdes, La Naval
59. Ang tatlong mga larawang ito ng Birhen ang madalas pagtuunan ng pananalangin ng Rosaryo. Sa lahat yata ng uri ng panalangin sa Simbahang Katolika, wala nang hihigit sa pagkapopular kaysa sa pagrorosaryo. Ang rosaryo din ang nagsisilbing parang matibay na buklod sa maraming mga pamilyang Pilipino: na di man makapagsimba, di man makapagdasal bago kumain, o di man makapagbasa ng Biblia, ay nagagawa pa ring magrosaryo nang sama-sama. Hindi pa rin lumilipas ang nakagawian sa maraming mga barangay na ilipat-lipat sa mga bahay-bahay ang larawan ng Mahal na Birhen, na siyang nagiging okasyon para magkatipon ang mga magkakapitbahay. Sa maraming mga parokya, nagiging paraan ang debosyon na ito para sa pagbubuo ng mga pamayanang Kristiyano: tulad halimbawa ng mga “Barangay-sang-Birhen”.

Penafrancia, Manaoag, Antipolo, De Los Remedios, atbp.
60. Marami pang ibang mga larawan ng Mahal na Ina ang naging bahagi na ng buhay-pananampalataya ng mga Pilipino sa iba’t-ibang mga lalawigan: halimbawa’y ang Birhen de los Remedios ng Pampanga, ang Birhen de Penafrancia ng Bicol, ang Birhen ng Manaoag at ng Piat sa Ilocos, ang Birhen ng Antipolo sa Katagalugan, atbp. Saan mang lugar, dambana, o simbahan, nag-uudyok ang Mahal na Ina ng mataimtim na panalangin sa mga mananampalataya. Ipinahahayag ito sa mga panata, nobena, dalaw, at pagsusuot ng puti at asul na damit (tulad ng sa Birhen ng Lourdes), medalya (tulad ng sa Our Lady of the Miraculous Medal), eskapularyo (tulad ng sa Birhen del Carmen), o sinturon (tulad ng sa Birhen ng La Consolacion).

61. Palaging, iisa ang papel ng Birhen sa mananampalatayang Pilipino: takbuhan ng mga nangangailangan, sumbungan ng may hinanakit, hingahan ng mga suliranin, pasanin at tiisin sa buhay, kanlungan ng mga maysakit. Hindi tuloy kataka-taka kung bakit nagiging tampulan na ng mga puna at panunuligsa mula sa mga sektang fundamentalista ang napakalakas na pananampalatayang “maka-ina” ng mga Katoliko. Nagiging dahilan din ito ng maraming agam-agam na baka tayo’y nalalayo na sa pinaka-buod ng pananampalataya na dapat diumano’y sa Panginoong Hesukristo nakatutok. Totoo man o hindi, aminin natin, di hamak na mas malapit pa rin ang nakararaming Pilipino sa Mahal na Ina kaysa sa kanyang Anak.

G. ANG BANAL NA EUKARISTIYA
62. Madalang lang sa ating bansa ang simbahang Katoliko na hindi napupuno tuwing araw ng Linggo. Para sa maraming mga pamilyang Pilipino, sangkap na ng pagiging Katoliko ang linggo-linggong pagsisimba. Para sa nakararami, hindi kumpleto ang…
Itutuloy…

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007