47. Sa iba’t-ibang anyo ng penitensyang isinasagawa pa rin ng marami tuwing Mahal na Araw, malinaw na hindi sapat para sa maraming Pilipino ang mga liturhiya ng simbahan upang maipahayag ang pakikiisa sa dusa at kamatayan ng Panginoon. Naghahanap pa rin ang marami, lalo na sa mga kalalakihan sa mga kanayunan ng mas marubdob na anyo ng penitensya. Karamihan sa mga ito’y pagtupad sa panata na kadalasa’y may kinauukulan: isang mabigat na kasalanang nagawa, isang kahilingang natupad na may naipangakong katumbas na sakripisyo, o isang kagyat na pangangailangan na ipinagmamakaawa, atbp. Sa kalooban ng namamanata, banal ang panata at dapat tuparin. Walang nag-uutos sa kanyang gawin ito, kundi ang sarili. Sa mata ng nanonood, maaaring ang madugo at marahas na mga paraang ito--katulad ng paghahagupit-sa-krus—ay kalabisan na, at malayo sa diwa ng Mahal na Araw. Subalit sa nagpipenitensya, ito’y maliit na kabayaran lamang sa napakalaking utang, isang munting sakripisyo sa napakalaking biyayang tinanggap. Kahit di naming lubusang maunawaan ito, sino ba kami upang hatulan ang katapatan ng mga nagsasagawa nito?
48. Isa pang di-mamatay-matay na tradisyon ang Pabasa o Pasyon. Hindi simpleng awit ang Pasyon kundi isang tuloy-tuloy na panaghoy at paghahayag ng hinaing ng umaawit. Dumadaing ang bumabasa ng Pasyon. Pumapasok siya nang unti-unti sa hipnotismo ng paulit-ulit na tinig hanggang sa maging paraan na lamang ang pagbasa sa salaysay ng pagdurusa’t kamatayan ng Panginoon sa pagpapahayag ng mambabasa ng kanyang mga sariling panaghoy sa mga sakit at pagdurusang kanyang nararanasan sa buhay. Nabigyan na ng sapat na pansin ng ilang mga panulat ang kinalaman ng Pasyon sa Rebolusyong Pilipino. Binigyan ng Pasyon ng pagkakataon ang Pilipino na maipahayag hindi lamang ang pansariling daing ng mga indibidwal na mambabasa kundi pati na ang daing ng buong sambayananag dusta at api noong panahon ng mga kastila.
49. Habilin naman ang turing natin sa inuulit-ulit na pitong buling mga pananalita ng Panginoong Hesukristo sa krus. Habilin ng namamatay sa mga maiiwan. Hindi kataka-takang nanatili ang tradisyon ng Siete Palabras kapag Mahal na Araw kung mayroon ngang kinalaman ito sa pakundangan ng Pilipino sa kabanalan at kahalagahan ng mga huling habilin ng Anak ng Diyos. Kaya marahil parang napakatindi ng Biyernes Santo sa Pilipino. Pag-aantabay ito sa “kamatayan ng Diyos”. Pagkatapos ng habilin, susundan pa ng burol sa patay. Makapanindig-balahibo ang katahimikan ng mga nakapila upang humalik sa krus, o sa imahen ng bangkay ng Panginoong Hesukristo. Isa itong matinding pagsasa-ritwal na nais sabihin ng mananampalataya: “Hindi naming bibiguin ang iyong pakiusap. Hindi naming lilimutin ang iyong habilin.”
50. Higit sa lahat, hindi pa ganap ang Mahal na Araw para sa Pilipino hangga’t hindi ginaganap ang Salubong. Kahit walang ulat sa Bibliya na magpapatunay sa Salubong, buo ang loob ng Katolikong Pilipino na ang Mahal na Birheng Maria pa rin ang unang dinalaw ng Panginoong Hesukristo sa kanyang muling pagkabuhay. Walang ibang batayan ang Salubong kundi ang panloob na katiyakan ng diwang Pilipino na kung mayroong unang ibig bahaginan ang anak sa kanyang tagumpay, ito’y walang iba kundi ang kanyang ina. Hindi kay Kristo mismo kundi sa Mahal na Ina nakikiisa...
Itutuloy………….

No comments:
Post a Comment