Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, October 6, 2007

Pagka-Alagad: Pananampalataya at Pagtitiwala

Pananampalataya at Pagtitiwala sa Kabutihan ng Diyos

Makikita natin sa Ebanghelyo ang tatlong bagay na kinakailangan sa pagiging alagad ni Hesus:

Una,ipinakikita ni Hesus sa pamamagian ng puno ng sikamoro kung ano ang hinihingi ng pagiging alagad. Marami at mahahaba ang mga ugat ng puno ng sikomoro kaya naman mahirap itong bunutin. Sinasabi ni Hesus na ang pagka-alagad ay tulad sa puno ng sikamoro na mahirap itong bunutin at itanim sa karagatan (imposibleng bagay). Kung gayon, binibigyang-diin ni Hesus na ang pagka-alagad ay hindi lamang humihingi ng ng mga bagay na mahirap gawin kundi pati mga bagay na mukhang imposibleng mangyari. Kasama sa mga kinakailangan sa pagka-alagad ang mga naunang turo ni Hesus tungkol sa pag-iingat na maiskandalo ang mga may mahihinang pananampalataya at ang matutong magpatawad nang higit pa sa mga punong relihiyoso-ang mga Pariseo (bas.Lc 17:1-4). Hindi madaling gawin ito kaya naman hiniling ng mga alagad kay Hesus: “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos!” Ibig sabihin: “Diyos ko, tulungan mo po kami!”

Ikalawa, ipinahahayag ni Hesus na ang lihim ng tapat at masigasig na pagka-alagad ay ang pagkakaroon ng kahit munting pananampalatayang tulad sa isang butil ng mustasa (bas.Mac 4:31). Ang pananampalataya ang daan upang makagawa ang Diyos ng mga tanda at mga himala. Ang pananampalataya din ang nagbibigay ng karunungan at liwanag maging sa madidilim at mahihirap na pagkakataon sa ating buhay. Napakahusay na ipinaliliwanag ng 1997 Katesismo ng Iglesya Katolika ang kaisipang ito: “Binubuksan ng kaloob na pananampalataya ang ‘mata ng iyong mga puso’ sa buhay na pag-unawa...sa kabuuan ng mga plano ng Diyos at sa mga misteryo ng pananampalataya…(#158;bas.Ef 1:18). Ang hiwaga ng pananampalataya ay hindi ang pagtanggap mula sa Diyos ng mga bagay na hinihiling natin kundi ang pagtanggap nang may kagalakan at buong pananampalataya sa anumang tugon ng Diyos sa ating mga panalangin naaayon man ito o hindi sa bagay na talagang hinihiling natin.

Ikatlo, sinasabi ni Hesus na ang pagka-alagad ay nakasandig sa tiwala ng “lingkod” sa Diyos bilang kanyang “Panginoon.” Itinuturo ni Hesus sa mga alagad na dapat nilang ituring lagi ang kanilang sarili bilang mga aliping walang kabuluhan sa harap ng among(panginoong) napakahigpit. Ang griyegong pantukoy na achreioi, ay maaaring isalin bilang “bale-wala”, walang halaga, hindi karapat-dapat.” Hindi madaling maunawaan ang sinasabi ni Hesus tungkol sa isang alipin na hindi dapat umasa ng kahit na pampalubag-loob sa kanyang amo. Subalit, kailangang gumamit si Hesus ng mga paghahalintulad tulad nito-sa harap ng impluwensiya ng mga Pariseo na nagtuturong may karapatan ang tao sa pagpapalang Diyos kung gumagawa siya (tao) ng mabuti (masusing pagsunod sa batas). Itinuturo din ni Hesus sa mga alagad na gumawa sila ng mabuti...subalit hindi dahil sa gantimpala...hindi para pilitin ang Diyos na ipagkaloob ang kahilingan nila-kundi dahil sa pagtitiwala nila sa makatarungang Diyos. Totoo na sa kwentong ito ni Hesus, ang diyos ay parang isang panginoong walang damdamin na nag-uutos sa mga alipin niya na magbihis at maghanda ng makakain niya kahit na kagagaling lang sa bukid ng mgaaliping ito at pagod na pagod pa. Ngunit alalahanin din natin ang dakilang pahayag ni Hesus na kapag nakita ng Diyos (ang Panginoon)sa kanyang pagbabalik na handa ang kanyang alipin, ang Diyos mismo ang magbibihis upang mapaglingkuran niya ang mga alipin sa hapag-kainan (Lc 12:35-38) Totoo ngang napakalaki ng hinihingi ng Diyos sa kanyang mga alagad ngunit higit ba napakalaki rin naman ng kabutihan at pagpapala niya sa kanila.

-Fr. Domie G.GUZMAN,SSP

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007