Sa paniniwala ng mga Judio ang malalang karamdaman ay bunga ng mabigat na kasalanan ng mismong taong may sakit o ng kanyang mga kamag-anak. Noong panahon ni Hesus, ang ketong ay itinuturing na sumpa at parusa sa Diyos. Dahil sa sakit na ketong, nagkakaroon ng karanasan ng paghihiwalay sa sarili, sa pamayanan at sa Diyos. Sa unti-unting pagkaagnas ng kanyang katawan, nawawasak at unti-unti ring “nawawala” ang pagkatao ng may sakit na ketong. Pakiramdam niya’y nilalamon siya ng malalim na kalungkutan, pagkatakot, at kawalan ng pag-asa. Maliban sa pagkawalay sa sarili, nararanasan din niya ang paglayo ng mga mahal sa buhay— pamilya at mga kaibigan. Hindi lamang katawan ang nasasaktan. Malalim din ang sugat sa puso at kalooban habang pinandidirihan siya at nilalayuan ng buong pamayanan. Ang pinakamasakit sa lahat sinasabi ng iba at pinaniniwalaan naman niyang pinabayaan nga siya ng Diyos.
Isang detalye ng kuwento ang nakakatawag-pansin: magkakasama ang sampung ketongin. Hindi nakahiwalay ang Samaritano sa mga Judio. Mahigpit na alituntunin ng batas ng Judio na hindi sila nararapat makisalamuha sa mga Samaritano sa mga Judio na itinuturing na “marurumi”. Ngunit sa pagkakataong ito pinagsama sila ng kanilang nakahihiyang kalagayan. Pare-pareho lang silang may “lamat” sa kanilang pagkatao. Sa gitna ng pangangailangan nabuo ang pagkakaisa at nabale-wala ang batas ng paghihiwalay.
Sa “lamat” ding iyon sila tinagpo ni Hesus at pinagaling silang lahat. Sa kasamaang palad isa lang ang nagbalik upang magpasalamat – ang Samaritano. Tila siya lang ang nakaunawa sa kahulugan ng nangyaring pagpapagaling: Sinamahan siya ni Hesus sa lamat ng kanyang pagkatao. Sa pagyakap ng Panginoon sa kanyang pagkatao, muli nitong binuo ang mga nawasak na kaugnayan niya sa sarili, sa pamayanan at sa Diyos. Ngayon, handa na siyang makisangkot muli sa lipunan, magbahagi, magmahal. Ang pasasalamat niya sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwang nangangailangan ang magpapatunay na malaking pagpapala rin ang kanyang tinanggap (bas. Lc 7:47)
Marahil, nagpasuri nga sa pari ang siyam na pinagaling din ni Hesus at nagbigay papuri sa Diyos sa templo. Subalit higit pa rito ang diwa ng tunay na pasasalamat. Ayon nga sa isang himig Heswita: Hesus na aking kapatid, sa lupa nami’y bumalik...iyong mukha’y ibang-iba, hindi kita nakikilala. Itinuturo sa atin ni Hesus na ang tunay na pasasalamat ay pagtulong rin sa iba pang mga may “lamat” din ang pagkatao– mga dukha, maysakit at may kapansanan, mga inaapi at mga nawawalan ng pag-asa at iba pa. Dalisay ang pasasalamat ng taong yumayakap sa mga sugat ng kapwa. Sa pagyakap natin at paghipo sa sugat ng kapwa si Hesus din ang niyayakap natin.

Fr. Alex Balatbat
No comments:
Post a Comment