Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Sunday, October 21, 2007

Pasasalamat

May kalayaan ang bawat isa na magpasalamat. Marahil ang isa sa pinakaunang natutunan natin bilang mga paslit ay ang magbigay ng pasasalamat. Ang pinakasimpleng pagpapahayag ng pasasalamat sa isang bagay na ating natanggap ay sa pamamagitan ng madaliang pagsambit ng “Salamat po!” May kalaliman ang dating ng katagang ito sa ating kapwa na kadalasan ay nawiwika nila, bastante na ang araw ko ngayon.

Sa ika-6 na mukha ng ating anibersaryo may magkahalong ngiti at pighati ang namumutawi lalo’t pagsabaying nating sulyapan ang nakaraan at harapin din ang kasalukuyan.

Sa ating mga Kristiyano ang palagian nating sandata ay panalangin at ito’y ganap na madarama sa patuloy nating pagdalo sa ‘Eukaristiya’. Ang salitang ito ang may nag-uumapaw ng pasasalamat. Nagpapasalamat tayo sa Diyos na nag-anyong bata at tayo’y nakapagpapahayag ng ating pagmamahal. Nagpapasalamat tayo sa Diyos at nakasusumpong tayo ng kalakasan.

Sa simula’t sapul ng kanyang ugnayan sa Diyos, ang unang pagpapahayag na iginawad ni Maria, na Ina ng Banal na Rosaryo ay pagkilala ng utang na loob at pasasalamat. At iyan ay namamalas ko sa ating Sambayanihan, ang inyong matimyas na unang hakbang na pasasalamat at walang patid na pananalangin.

Nagpapasalamat tayo sa ika-6 na taon sa pagpapanatili ng buhay na may kalayaan. Nagpapasalamat tayo sa di N’ya paglimot sa sakit ng pakikihamok dala ng mahahalaga N’yang kaloob. Nagpapasalamat tayo sa pagkakataong hatid N’ya na lumuhod, tumayo at umawit sa paligid ng Kanyang hapag.

Sa pagsalubong natin ng Pasasalamat, pahahon na muling harapin ang malamig na simoy ng tag-lagas at magpasalamat tayo sa Poon na hindi kumapit sa Kanyang pagiging Diyos bagkus naging isa sa atin. Panahon din upang pasalamatan ang mga nauna sa atin na hindi rin kumapit sa dating mga gawi subalit dumating at inihandog sa atin ang kalayaan. Panahon din na kilalanin ang ating mga kaibigan, kapuso’t kapamilya ng may pag-asang ito’y palalaganapin pa nila. Ito ang panahon na maging isang bata’t sariwa at sambitin sa Diyos “Maraming Salamat Po!”

Malugod na nagpapasalamat,

Reb. Padre Salvador ‘dong’ V. Marcaida,msp

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007