by L.V.L.
Bukang–liwayway na naman…..
Simula nang isang bagong araw…..
Patuloy ang pag-angat ni Pebo sa mga ulap pataas sa himpapawid…..
Heto na naman ako kasama ka…..
Sa ating lugar...sa may hagdanan
Walong buwan na rin tayong ganito….
Andiyan ka sinasamahan ako sa ‘king mga kalungkutan…
Umuupo kasama ko...walang imik
Andiyan ka lang handing laging makinig
sa aking mga hinaing sa mundo…
Sa mundong aking ginagalawan…
Alam ko na kahit tahimik ka….nauunawaan mo ako…
Oo alam ko na walong buwan lang ang pinagsamahan natin
Pinahalagahan kita gaya nang pagpapapahalaga mo sa akin
At ipinagpapasalamat ko yun…
Pero sa paglipas nang panahon…
Naiisip ko na kailangan ko nang magpaalam
Hindi na sapat ang pakikinig mo lang sa aking mga hinaing
Kailangan ko na sana ang makakausap…
Di ko na kayang umupo na lang sa may hagdanan kasama ka..
Alam ko na walang patutunguhan
kahit pa magtagal tayong magkasama na ganito…
Malabo ang kinabukasan natin kahit alam ko
na handa kang laging samahan mo ako…
Sabihin mong makasarili ako pero ito lang ang naisip kong solusyon
Sana ay maunawaan mo…
Kailangan ko nang magpaalam at umalis sa kinalulugmukan kong kalungkutan…
Kailangan ko nang magpaalam at umalis sa kinalulugmukan kong kalungkutan
Sa pagdaan nang panahon naisip ko na parang wala kang naitulong
Naisip ko na lalo mo lang akong inilugmok sa ‘king kinalalagyan
‘Wag mong isipin na binabale wala na kita…
Na di ko pinahalagahan ang mga ginugol mong oras para sa akin…
Di ka mawawala sa aking alaala
Alam ko masakit para sa iyo pero para na rin sa ikabubuti ko
Paalam ….Yosi….
Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Saturday, October 6, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment