Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Sunday, October 21, 2007

LANDAS NG PAGPAPAKABANAL

Sulat Pastoral ng Kapulungan ng mga Obispong
Katoliko ng Pilipinas -Sa mga Pilipinong Katoliko
(Hulyo 1999)

Sa kanya nakakatagpo ang maraming mga nagdarasal sa simbahan ng Quiapo—na karamiha’y may dalang pasanin sa buhay—ng karamay sa kanilang mga tiisin. Sa larawang ito, para bang naririnig ng matapat na mananampalataya ang Diyos na nagsasabing: “Hindi ka nag-iisa,” o kaya nama’y “Batid ko ang nararanasan mo,” o “ Sabihin mo sa akin ang problema mo, at sasamahan kita sa pagkarga dito.”

Santo Entierro
55. Ang bangkay ni Kristo: nakatali ang ulo, nakabalot ng kumot, nakahiga. Walang ipinagkaiba sa pagdalo sa burol ang paglapit natin sa larawan ng Santo Entierro. Sa lahat daw ng larawan, ito yata ang pinakamadalas pangakuan ng mananampalatayang Pilipino: “hindi na po ako uulit,” “magbabagong-buhay na ako,” “hindi ko bibiguin ang pangarap n’yo para sa akin.”

Kristong Hari
56. Kahit huli na nang pumasok sa atin ang debosyon sa Kristong hari na nakaluklok sa trono, mabilis pa rin ang paglawig at pagkalat ng kaugaliang maitampok (enthronement) ang larawang ito sa bawat tahanan. Sa larawang ito, itinuturing, kumbaga, ng pamilyang Pilipino bilang “Ama ng tahanan” (padre-de-pamilya) ang Kristong Hari.
57. Batay sa kinahihiligang lapitan ng mga Pilipino sa mga larawan ng Panginoong Hesukristo, masasabing mas nangingibabaw pa rin ang papel niya bilang kakampi, kasangga, karamay, o katoto kaysa sa manunubos o tagapagligtas.

E. MGA BANAL NA IMAHEN AT LARAWAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
Ina ng Laging Saklolo

58. Sinong dayuhan ang hindi mamamangha kapag sila’y natraffic sa may Baclaran at nagtanong sa sanhi ng traffic: ang marahil pinaka-popular na debosyon sa Mahal na Birhen sa Pilipinas? Kahit wala pang isandaang taon mula nang ipakilala sa atin ang larawang ito ng Mahal na Ina, mabilis na kumalat ang debosyon sa kanya, dahil marahil ang larawang ito ang pinakamalapit sa ugali ng tipikal na ina para sa Pilipino: lagging sumasaklolo kapag nangangailangan ang kanyang mga anak. Masusyo at malambing ang paglapit ng Pilipino sa Ina ng Laging Saklolo. Patunay dito ang malaking bunton ng mga papel na naipon ng mga paring Redentorista—na nagtataglay ng mga sulat at pakiusap ng mga nagdarasal sa Mahal na Ina, mula pa noong pumutok ang digmaang Hapon. Ang nobenang ito na dinadasal nang mataimtim ay bahagi na ng buhay ng maraming Pilipinong tuwing Miyerkoles, hindi lang sa Baclaran o sa iba pang mga simbahan sa bansa, kundi pati na rin sa mga simbahang dinadayo ng ating mga OFW’s sa iba’t ibang sulok ng daigdig, kung saan sila naghahanap-buhay. Higit sa lahat, popular ang debosyong ito sa mga kababaihan na nakakakita sa mapagpalang Ina ng halimbawang matutularan sa kanilang sariling mga papel, lalo na bilang mga ina.
... Itutuloy

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007