Unang Linggo ng Kuwaresma:
Siya Lamang
Ang pelikulang “My Only Love” na pinagtambalan nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta ay ipinalabas noong dekada 80. Sa isang eksena sa isang mamahaling restawran, sinabi ni Billy (Gabby) kay Cindy (Sharon): “You are my number one.” Sagot ni Cindy, “Ayoko ngang maging number one, may number two, may number three, I won’t settle for number one.” Nagtatakang nagtanong si Billy, “So ano ang gusto mo?” Sagot ni Cindy: “Your only one.”
Siya Lamang
Ang pelikulang “My Only Love” na pinagtambalan nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta ay ipinalabas noong dekada 80. Sa isang eksena sa isang mamahaling restawran, sinabi ni Billy (Gabby) kay Cindy (Sharon): “You are my number one.” Sagot ni Cindy, “Ayoko ngang maging number one, may number two, may number three, I won’t settle for number one.” Nagtatakang nagtanong si Billy, “So ano ang gusto mo?” Sagot ni Cindy: “Your only one.”
Totoong gusto natin ng kasiguruhan sa buhay kaya nga kung baga sa sasakyan, kailangang lagi tayong may “reserbang gulong.” Nakatutukso ngang “magsigurado” sa ating kinabukasan. Sa Ebanghelyo ngayon malinaw na ipinakita ni Mateo kung anu-ano ang mga “reserba” natin sa buhay.
Sa unang pagtukso kay Hesus, nahahayag na ang unang “reserba” ng tao ay ang kasiyahan ng katawan. Isa sa pinaka-karaniwang hangad ng katawan ay seks. Ayon sa ilang pag-aaral,70% ng mga kabataang nasa gulang na 12-24 ay aktibo nasa seks. Karaniwang sinasabi ng mga kabataang ito na ginagawa nila ito dahil sa sarap o kasiyahang dulot nito.
Sa ikalawang pagtukso, ang matatawag naming “reserba” ay kayabangan o sobrang taas na pagtingin sa sarili (pride). Sakit din ito ng maraming tao. May mga pulitiko at mga lider na masyadong mataas ang pagpapahalaga sa sarili kaya kaya naman bingi sila sa mungkahi o opinion ng iba. Maraming pamilya rin ang nagkawatak-watak dahil sa pride ng bawat isa.
Sa huling pagtukso, masasabing “reserba” rin ang materyal na bagay at ang kapangyarihan. May mga taong gagawin ang lahat para yumaman lamang at magkaroon ng puwesto sa lipunan kahit na sa tiwali o di-makatarungang paraan. Mayroong walang kahihiyang nandaraya sa eleksyon, basta manalo lang dahil sa kayamanan at kapangyarihan lang nila nakikita ang katiyakan at kasiyahan sa buhay.
Ngunit baligtad sa inaasahan ng mundo ang naging tugon ni Hesus. Nang tuksuhin siya ni Satanas na ilagay ang kanyang kaligayahan sa nakapagpapaligaya sa makalupang katawan, sinabi niyang hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao. Nang tuksuhin siya na ipakitang siya ay Diyos, hindi siya nagpadala kay Satanas at tahasang sinabi niya ritong wala itong karapatang tuksuhin ang Panginoon. At nang alukin siya ni Satanas ng kayamanan at kapangyarihan, matigas niyang sinabi na iisa lamang ang Diyos na Panginoon. Panginoon. Hindi siya paalipin sa kayamanan at kapangyarihan.
Sa madaling salita, hindi makukuntento si Hesus sa “reserba” lang. Malinaw kay Hesus na ang kaligayahan niya ay nasa pagtupad sa kalooban ng Ama– nasa Ama mismo. Ang pagtupad sa kalooban ng Ama ang kanyang pagkain, ang kanyang buhay. At ito ang ipinakita sa naging tugon ni Hesus sa huling pagsubok: Tanging ang Panginoon lamang ang sasambahin mong Diyos, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. Tanging SIYA LAMANG (the only one!) ang papawi ng ating pagkagutom at pagkauhaw at pupuno sa malalim na paghahanap natin ng pagmamahal.
Sa mga huling araw sa buhay ni Morrie-isang propesor sa isang pamantasan sa Estadod Unidos-napag-usapan nila ng kanyang estudyanteng si Mitch Albom ang tungkol sa pera. Sabi ni Morrie: “Saan man ako magpunta, may nakikilala akong mga tao na laging nagnanais na magkaroon ng bago. Magkaroon ng bagong kotse; bagong mga ari-arian; bagong laruan...Alam mo kung ano ang tingin ko diyan? Sila’y mga taong gutom sa pag-ibig kaya naman hinahanap nila ito sa anumang puwedeng pamalit. Minamahal nila ang mga materyal na bagay at umaasa silang mamahalin din sila nito. Pero hindi ito sapat. Hindi mo maaaring ipalit ang mga materyal na bagay sa pag-ibig o sa kabutihan o sa malasakit o sa pakikipagkaibigan. Hindi mo makikita sa dami ng pera o laki ng kapangyarihan ang hinahanap mong pagmamahal.” Totoo, nakatutuksong hanapin ang ating kaligayahan sa mga bagay o maging sa mga tao sa mundong ito. Mahirap gawing “our only One” ang Panginoon, lalo na’t nahihirapan tayo. Subalit sa ebanghelyo ngayon, ipinakikita ni Hesus kung paano natin matatagpuan ang ganap na kaligayahan. Una, hanapin natin ang kalooban ng Ama sa Banal na Kasulatan; ika-2, sumasampalataya tayo sa plano ng Diyos-na ang lahat ay para sa ating kabutihan; ika-3, patuloy tayong manalangin lamang natin matagtagpuan at makakapiling ang ating NAG-IISANG DIYOS na siyang laging dumaramay sa atin at nagmamahal sa atin ng lubos.
~Atty Arnold R. Martinez ~
No comments:
Post a Comment