Tahimik ang mundo mo,
Ngunit may tunog kang di mo matanto.
Sa kaguluhan nang paligid mo,
Patuloy ka sa iyong pagtatago.
Di ka nag-iisa, at may mga nagmamahal
sa ’yo,
Ngunit may pangungulilang, binubulong ang iyong puso.
Tila sa iyong utak, ay walang dumadaloy,
Ngunit may mga idelohiyang,
Patuloy sa pagtaghoy.
Sumisigaw nang tahimik,
Ang mga piniwalang para sa iyo ay wala.
Naghihintay lang gisingin sa ‘yong gunita,
Malimit may ngiting, bumubukal sa ‘yong mukha,
Na handang ialay sa bawat tao sa madla.
Ngunit kaibigan napansin mo na ba,
Na ang mga tingin sa ‘yong mga mata,
Ang emosyon ay wala.
Gumigising ka sa pagtago ni Pebo,
Sa kabilang mundo na alam mo.
Kaibigan, tanggapin mo na,
Ngayon, sa mundong ito andito ka.
Na oo nga at malayo ka man sa kanila,
Malapit ka pa rin tumingin ka lang sa mga tala.
No comments:
Post a Comment