Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, February 16, 2008

LANDAS NG PAGPAPAKABANAL

Bagong Jerusalem
121. Di ba ganoon din ang kalagayan ng dalawang alagad na naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Emmaus ayong sa salaysay ni San Lukas? (Lukas 24:13-35) Batbat daw ng kalungkutan ang kanilang mga puso, dahil sa kabiguang naranasan nila sa Jerusalem: lugar ng pagdurusa at kamatayan. Ito ang iniiwan nila, o marahil tinatakasan nila. Sila’y patungong Emmaus, subalit hindi rin ito ang tunay nilang layunin. Ang Jerusalem ang dati nilang layunin - na ngayon ay kanilang tinatalikuran. Kaya sila naglalakbay—tulad ng marami—na parang walang direksyon.. Naghahanap ng bagong layunin, bagong landas.

122. Kung pagsunod sa isang landas ang buhay-Kristiyano, nagsisimula pa lamang ito sa pakikitagpo kay Hesukristo bilang isang di-kilalang kapwa-manlalakbay sa daan. Siya daw, ayon sa kuwento ni San Lukas, ay masiglang sumabay sa dalawa at nakipagkuwentuhan. At isang bagay ang naganap habang sila’y nagkukuwentuhan: unti-unti nilang napagdugtong-dugtong at napagwari ang lahat ng mga pangyayari sa nakaraan at nabigyan ng bagong kahulugan. Unti-unting luminaw sa kanila ang saysay ng mga pangyayari, sa pamamagitan ng Kanyang salaysay.

123. Hindi naman talaga ang Emmaus ang layunin ng dalawang manlalakbay. Isang pahingahan lamang ito o panuluyan sa gitna ng isang walang-direksyong paglalakbay. Ang kuwentuhan ay humantong sa pagsasalo sa hapag-kainan, at sa sandali ng pagkilala sa tunay nilang kausap at kasalo. “Nakilala siya sa paghahati ng tinapay at siya’y naglaho.” Naglaho man Siya, may bago nang apoy sa kanilang mga puso. Nasabi daw nila sa isa’t isa: “Kaya pala parang nag-aapoy ang ating mga puso nang kausap natin siya.” Ang apoy na ito ay nagningas at nagsilbing liwanag na tumanglaw upang muli nilang matuklasan ang landas: pabalik sa Jerusalem. Noon pa lamang magsisimula ang paglalakbay patungo sa bagong Jerusalem. Subalit sa kalooban nila, hindi na lungkot kundi kaligayahan, hindi na takot kundi lakas-ng-loob ang nagliliyab. Simula pa lamang ito ng paglalakbay patungo sa bagong Jerusalem ng tagumpay, bagong Jerusalem ng muling pagkabuhay.

124. Hindi kaya tulad ng dalawang alagad, tayo ring mga Pilipino ay patungong Emmaus? Hindi kaya tulad nila, tayo rin ay batbat ng kalungkutan dahil sa ating mga kabiguan sa Jerusalem ng pagdurusa at kamatayan? Hindi kaya tayo rin ay madalas natutuksong tumakas at tumalikod sa landas na dapat nating tahakin dahil kaakibat nito ang maraming dusa at sakit?

Itutuloy…

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007