Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, February 9, 2008

LANDAS NG PAGPAPAKABANAL

117. Ano ang lulutas sa ating mga sakit-panlipunan? Saan pa tayo unang hahanap ng lunas bilang mga Kristiyano kundi sa ating pananampalataya? Isinasabuhay ang pananampalataya, hindi lang isinasaisip . Isang landas ito ng pagpapakabanal at pagpapahalaga na dapat manghimasok sa ating kasaysayan upang mapabago ito. Masasabi nga kaya natin na ang pananampalatayang isinasabuhay - ang ating sinusundang landas ng pagpapakabanal - ang siyang nagdudulot sa atin ng panloob na lakas upang mapag-ibayo ang ating mga samahan? Natutulungan ba tayo ng ating mga debosyon sa Mahal na Birhen at sa mga Mahal na Patron upang magpakatotoo at magkaroon ng pananagutan sa ating buhay-pampulitika? Nagagabayan ba tayo ng ating mga panatang pang-Mahal-na-Araw upang manindigan para sa katarungan sa ating pakikitungo sa ating mga manggagawa? Nabibigyan ba tayo ng bagong diwa upang ang ating buhay-pangkultura ay matigib ng pag-ibig at patawad sa pamamagitan ng pagsapi sa mga charismatic renewal movements? Sa madaling sabi, ito bang landas ng pagpapakabanal na ating nakagisnan ay nakakalampas na sa ating kanya-kanyang mga bakuran, upang maging isang lakas na palaban at mapagbago sa ating lipunan?

118. Kailangan nating aminin nang buong kababaang-loob na malayo pa ang ating lalakbayin, na marami pa tayong bigas na kakainin sa usapin ng pagsunod sa Kristiyanong landas ng pagpapakabanal. Kailangan ding dalisayin ang mga ritwal at panata na ating minana sa ating mga ninuno. Kailangang malakma ang mga ito sa tamang landas, sa tamang kalooban, na walang iba kundi ang landas at kalooban ng Panginoong Hesukristo. Inilalarawan natin ito sa ikatlong bahagi na pinamagatang Pamantayan ng Pagpapakabanal: Ang Landas ni Kristo.

119. Sa huling bahaging ito ng aming sulat, nais naming mag-iwan ng ilang mga panawagan sa inyo, mga minamahal naming mga anak, sa aming kakayahan bilang inyong mga magulang sa pananampalataya. Hindi birong hiyas ang minana nating landas na ito bilang mga mananampalatayang Katolikong Pilipino. Pag-aralan natin nang masusi kung paano pa natin ito mapagyayamang mabuti, upang sa atin bilang mga pamayanan ay ganap na kumislap ang ningning ng Manunubos; upang sa ating mga pamayanan ay walang ibang maaninag kundi si Kristo at ang kanyang Landas patungo sa Kaharian ng Diyos.

Landas sa Manlalakbay
120. Ang buhay ay paglalakbay patungo sa isang layuning hindi maaabot kung walang landas na sinusundan. Ni hindi malinaw sa atin ang mismong layunin sa simula - saan tayo tutungo? - kung paanong hindi rin kaagad naging malinaw sa mga alagad ng Panginoon. Tulad ni Tomas, natutukso tayong magtanong: “Panginoon, hindi naming alam kung saan kayo patungo. Paano naming malalaman ang daan?” (Juan 14:5-6).
Itutuloy…

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007