By: Michael B. Balba
Kung alam mo lang sana hirap kong pinasan,
Hindi mo gagawing ako ay sumbatan,
Ibigin ka nga ba isang kasalanan?
Kaya nagawa mo akong kamuhian.
Kung alam mo lang sana hindi ko ginusto,
Tuluyang mahulog at umibig sa'yo,
Anong magagawa ng puso kong ito,
Kung bawat sandali laging alipin mo.
Kung alam mo lang sana aking paghihirap,
Kung alam mo lang sanang puso ay may sugat,
Mula ng iwan mo't kamuhian liyag,
Luha at pighati ang laging kayakap.
Kung alam mo lang sana kung alam mo lang sana,
Baka ang galit mo maglalaho sinta,
Kung kasalanan man ang ibigan kita,
Iyong pang-unawa sana'y makamit na...

No comments:
Post a Comment