Ika-2 Linggo ng Kuwaresma:
Noong ikatlong siglo bago dumating si Kristo, pinaniniwalaan ng maraming dalubhasa sa agham na ang mundo ay patag. Ngunit ang paniniwalang ito ay hinamon ni Eratosthenes, ang director ng pinakamalaking aklatan noon sa buong daigdig. Bagaman siya ang tagapangasiwa ng Aklatan ng Alexandria sa Ehipto, binansagan siyang “beta” ng mga kapwa niya intelektwal bilang kantyaw na ang kanyang talino ay pumapangalawa lamang.

Ngunit si Eratosthenes ay may malaking pananaw sa buhay o hinaharap. Nakita niya at naunawaan ang mga kahulugan ng mga ordinaryong pangyayari sa kanyang paligid. Pinatunayan niya na ang mundo ay bilog sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga aninong bunga ng liwanag ng araw. Kilala siya bilang pangalawa lamang sa katalinuhan, subalit mas higit ang kanyang pang-unawa sa buhay.
Hinahamon tayo ng mga pagbasa natin ngayon na palalimin natin ang ating pang-unawa sapagkat una sa lahat, ang Diyos ang unang kumilos upang hikayatin tayo na palalimin ang relasyon natin sa Kanya. Mula pa kay Abraham, ipinakita na ng Diyos ang kanyang mapagligtas na pangarap sa atin, ang plano ng kaligtasan na naisakatuparan kay Hesus: “Gagawin kitang isang malaking bayan, Pagpapalain kita at gagawin kong dakila ang iyong pangalan” (Gen 12:2).
Sa kasaysayan ng Matandang Tipan, patuloy at unti-unting inihayag ng Diyos ang kanyang sarili. Nangusap siya sa pamamagitan ng mga propeta, at laging pinatunayang kapiling Siya ng bayang Israel. Sa gitna ng shekinah, ang ulap na bumabalot sa Lugar ng Kapatawaran na nasa Templo (bas. Lev.16:2) inihayag ng Diyos ang kanyang presensya. Ang mahiwagang pagpapahayag na ito ay nagkaroon ng mukha nang nagkatawang-tao ang Diyos kay Hesus.
Ang Pagbabagong anyo ni Hesus sa bundok ay sumasagisag sa katotohanang hindi nagkukubli ang Diyos sa hiwaga, at sa gusto niyang magpakilala at magpakita sa atin. Ito ay isang pangitain o vision ayon sa Ebanghelyo ni Mateo (bas. 17:9). Sa pangitaing iyon, nagliwanag si Hesus sa gitna ni Moises at ni Elias. Ayon sa ilang dalubhasa sa Banal na Kasulatan, ang pagbabagong-anyong ito ay hudyat din ng pagliliwanag ng pang-unawa ni Pedro, Santiago, at Juan tungkol sa tunay na katauhan (o pagka-Diyos) ni Hesus. “Natakot” ang tatlong alagad na ito sa katotohanang kapiling nila ang Anak ng Diyos, ang kaganapan ng Batas at Propesiya, kaya’t ninais nilang manatili sa lugar na iyon. Subalit hinipo sila ni Hesus–isang paghipong pumapawi sa lahat ng takot at pangamba –at sinabi ng Panginoon sa kanila: “Tumayo kayo, huwag matakot!” (Mt 17:7)
Ayon kay Papa Benito XVI, ang pagtayo ay nangangahulugan ng pagiging handa. Ang pang-unawa ng tatlong apostol –na pinalalim ng pagbabagong anyo ni Hesus-ay panawagan na maging handa upang magpatotooo sa liwanag ng hindi mapapantayan ng agham at pangangatwiran: si Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. “Siya ang nagligtas sa atin, at hinirang niya tayo sa banal na pagtawag, hindi sa bisa ng ating mga gawa kundi sa kanyang sariling balak at kagandahang-loob” (2 Tim 1:9).
~ Rdo. David O.Reyes, Jr. ~

No comments:
Post a Comment