Kung malalaman mo na mas mahal mo s'ya.
Sa aki'y sabihin ng walang pangamba,
Nakahanda akong unawain kita,
Di ko pipigilan ang iyong ligaya.
Anong magagawa ng puso kong ito,
Kung sadyang siya pa tibok ng puso mo,
Kahit anong sakit ay makakaya ko.
Handang magparaya alang-alang sa 'yo.
Siguro nga'y ganyan ang magmahal,
Minsan ang pasakit ay di maiwasan,
Kahit ang puso ko maiwang luhaan,
Hindi ko gagawin ang ika'y sumbatan.
Sabihin man nila na ako ay baliw,
Pagkat di gagawin ang ika'y pigilan,
Hindi papansinin ang mga paratang,
Pagkat ikaw sinta ay nauunawaan.
Ituring man nila na ako ay bulag,
Kahit pa nga pipi sa aki'y itawag,
Handang maging bingi para sa'yo liyag,
At di magdaramdam, puso man may sugat.
Sa aki'y sabihin ng walang pangamba,
Nakahanda akong unawain kita,
Di ko pipigilan ang iyong ligaya.
Anong magagawa ng puso kong ito,
Kung sadyang siya pa tibok ng puso mo,
Kahit anong sakit ay makakaya ko.
Handang magparaya alang-alang sa 'yo.
Siguro nga'y ganyan ang magmahal,
Minsan ang pasakit ay di maiwasan,
Kahit ang puso ko maiwang luhaan,
Hindi ko gagawin ang ika'y sumbatan.
Sabihin man nila na ako ay baliw,
Pagkat di gagawin ang ika'y pigilan,
Hindi papansinin ang mga paratang,
Pagkat ikaw sinta ay nauunawaan.
Ituring man nila na ako ay bulag,
Kahit pa nga pipi sa aki'y itawag,
Handang maging bingi para sa'yo liyag,
At di magdaramdam, puso man may sugat.
No comments:
Post a Comment