Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon:
Nangungusap ang Diyos Ngayon!
“Nakita ko sa Internet ang kuwentong ito mula kay Daniel O. May isang binata na dumalo sa isang “Bible study.” Tungkol sa pakikinig sa tinig ng Diyos ang paksa nila. Nang pauwi na siya , nasabi niya sa sarili : “Nangungusap pa rin ba ang Diyos sa tao? Panginoon , kung talagang nangungusap ka pa rin, sige nga, kausapin mo ako.”
Nangungusap ang Diyos Ngayon!
“Nakita ko sa Internet ang kuwentong ito mula kay Daniel O. May isang binata na dumalo sa isang “Bible study.” Tungkol sa pakikinig sa tinig ng Diyos ang paksa nila. Nang pauwi na siya , nasabi niya sa sarili : “Nangungusap pa rin ba ang Diyos sa tao? Panginoon , kung talagang nangungusap ka pa rin, sige nga, kausapin mo ako.”
Habang nagmamaneho, bigla siyang nakarinig ng tila isang bulong na nagsasabing bumili siya ng gatas . Pagkatapos, nagpatuloy siya sa pagmamaneho nang tila may bumulong na naman sa kanya na huminto sa tapat ng isang bahay at kumatok sa pinto. Nag-alanganin siya dahil baka baka magmukha siyang tanga. Pero muli, sumunod siya sa tinig . Kumatok siya. Isang lalaking mukhang masungit ang nagbukas ng pinto. Kinabahan siya pero wala sa loob niyang nasabi: Nagpunta ako para ibigay ‘tong gatas?” Biglang nawala ang sungit sa mukha ng lalaki at napaluha ito at sinabi: “Nagdarasal kami kanina ng asawa ko. Wala kasi kaming pera. Sabi ko, Panginoon, tulungan mo kaming makahanap ng gatas para sa aming bunso.’ At dumating ka!”
Angkop na angkop sa kuwentong ito ang Ebanghelyo ngayon. Tungkol din sa “pakikinig at pagsunod sa tinig” ang paksa ng Ebanghelyo. Tinawag ni Hesus si Simon Pedro, Andres, Santiago, at Juan (ang apat na mangingisda) at inanyayahan sila: “Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.”
Madalas, ginagamit ang pagbasang ito kapag pagpapari, paghehermano at pagmamadre ang pinag-uusapan. Ngunit ang totoo, tungkol din ito sa pagtawag ni Hesus sa bawat tao sa buhay-Kristiyano-bilang pari, relihiyoso o layko.
Ngunit paano nga ba sumunod kay Hesus? Maririnig sa unang bahagi ng Ebanghelyo na ang unang hakbang ay “pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan” (4:17). Sa Griyego, “metanoia” ang katumbas na salita nito na ang ibig sabihin ay radikal na pagbabagong-buhay: pagbabago ng pananaw, pamantayan at mga pinahahalagahan.
Sa katunayan, hindi naman nananatiling tapat ang ang mga tinawag ni Hesus. Ngunit lagi rin silang bumabangon. Hindi nagsasawa ang Diyos na “makipagsapalaran” sa tao, kaya naman, hanggang ngayon, hindi nagsasawa ang Diyos na tawagin ang tao-ang bawat isa sa atin.
Patuloy na tumatawag ang Diyos sa tao ngayon. Patuloy siyang nangungusap sa atin sa pamamagitan ng kalikasan. Noong nakaraang taon, inilathala ng Interngovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ang ulat tungkol sa “global warning” na tinatalakay at nilagdaan ng 130 pinuno ng mga bansa. Makikita sa ulat kung paano unti-unting nagbabago ang klima ng mundo at kung paano nito babaguhin ang pamumuhay ng mga tao kung hindi mapipigilan ang lalo pang pagkasira ng ozone layer. Mas maraming pagbaha, bagyo, tagtuyot at pagkamatay ng mga halaman at hayop ang magaganap. Ang mapang-abusong paggamit ng enerhiyang nagbubuga ng carbon ang sinisisi sa paglala ng “global warming.” Nagmumula raw ang carbon sa pagsusunog ng mga “fossil fuel” sa mga planta ng enerhiya na pinagmumulan ng kuryente. Sinasabi rin sa ilang pag-aaral na ang carbon ay galing din sa pagsusunog ng basura; sa “air-condition” sa mga sasakyan, sa mga bahay at mga opisina. Lalo pa itong pinalalala ng pagkapanot ng mga bundok at mga kagubatan dahil sa pagtotroso.
Kailangang mapigilan ang pagkasira ng “ozone layer.” At sa palagay ko, ito ang bagong tawag ng Diyos sa ‘San-Kristiyanismo. Bawat Kristiyano ay may pananagutan sa Diyos kung masisira ang planetang ipinagkaloob niya sa atin. Hindi sapat na manatili na lamang sa sakristiya o sa loob ng Simbahan ang ating pagka-Kristiyano.
Kailangang aktibong makisangkot ang bawat Kristiyano, lalo na ang mga Katoliko, sa pangangalaga sa kalikasan. Hindi lang “prayer meeting,” mga sermon, mga liham pastoral at pagtatalumpati ang kailangan. Wala ding mapapala sa pagtuturuan (kung sino ang mali) at pagsisisihan. Makinig tayo at tumalima sa tawag ni Hesus sa kasalukuyang panahon at sama-samang kumilos para sa kaligtasan ng nag-iisang mundong tinitirhan nating lahat, para sa ating lahat at pananagutan nating lahat. Sa kaibuturan nawa ng ating mga puso, marinig natin ang tinig ni Hesus na bumubulong: “Halika sumunod ka sa akin at gagawin kitang tagapangalaga ng daigdig.” Amen.
~Atty. Arnold Rimon Martinez~
No comments:
Post a Comment