Sulat Pastoral ng Kapulungan ng mga Obispong Katoliko ng Pilipinas-Sa mga Pilipinong Katoliko
96. Alam na rin natin ang landas na ito, kahit paano. Di ba’t hindi lang tubig kundi lahar ang bumagsak sa Pampanga? Natakot din sila, muntik nang lumubog, ngunit tulad ni Pedro, kumapit kay Kristo. Hayun, nakatayo na sila ngayon at naglalakad sa lahar! Hindi bagong paraan ito. Madalas lang malimutan. Kung tulad niya, tayo rin ay matutong manalangin sa bundok at kumapit sa kapangyarihan ng Kanyang Ama, matututuhan din natin kung paano lumakad sa tubig, sa gitna ng unos at bagyo, kung paano sumakay sa Bangka at patahimikin ang dagat.
Pagpapalaki sa Maliit (Lukas 19:1-10)
97. Itinuro naman ito sa bayan ng Jerico sa isang pandak na ang pangala’y Zaqueo, isang taong hindi matanggap ang kaliitan at nagsumikap na palitawing malaki ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakayaman sa paniningil ng buwis. Nagbago ang lahat sa buhay niya nang makatagpo niya si Hesus - isang taong maliit sa lipunan, ngunit tinitingalang malaki ng maraming kumikilala sa kanyang kabanalan. “Zaqueo, bumaba ka diyan.” Ito ang unang paraan ng paglaki: pagbaba. Para bang sinasabi ng Panginoon sa kanya, “Hindi mo na kailangang tumuntong sa iba, upang lumaki, Zaqueo. Kahit maliit ka, kahit mababa ka, makikita pa rin kita. Ni hindi mo kailangang umakyat sa puno.” At bumaba nga si Zaqueo at nagpakumbaba. Subalit nang makasalo niya sa hapunan ang Panginoon, noon lamang niya naramdaman na siya’y malaki. Ang pagpansin, ang pagpapahalaga, ang pagtanggap sa kanya ng Panginoon sa kabila ng kanyang kaliitan ang nagpalaya sa kanyang dating bansot na ugali at pagtingin sa sarili.
98. Kailangang-kailangan natin ang landas na ito, tayong mga maliliit na Pilipino. Di ba’t natututo na rin ang marami sa atin na tumuntong din sa kapwa, upang maramdamang sila’y malaki? Di ba tayo madalas makatagpo ng mga taong maliit ang pagtingin sa sarili at kumakapit sa yaman at baril upang sila’y “lumaki”, upang sila’y mapansin, upang sila’y igalang? Hindi galit ang kailangan ng mga taong kulang sa pansin, kundi awa, tulad ng awa ni Kristo. Kung minsan, isang simpleng pagtanggap ang kailangan nila, pagkilala sa kanilang likas na halaga at importansya, upang sila ri’y mapalaya sa bansot na kaisipan at kultura.
Paghahati ng Tinapay (Markos 6:35-44; Mateo 14:15-21; Lukas 9:12-17 at Juan 6:1-14)
99. Itinuro daw ito sa may bayan ng Bethsaida, nang pakainin Niya ang maraming tao mula sa limang tinapay at dalawang isda. Kailangan din nating matutunan ito lalo na’t parami tayo nang parami, tayong mga Pilipino, habang pakonti nang pakonti ang likas na kayamanan sa atin. Pag-aralan natin ang aral ng pagpapakain sa marami - ang aral na itinuro niya sa Kanyang mga alagad nang sabihan Niya sila: Tulad ng mga alagad, di natin maunawaan ang utos niyang ito. Mas madaling “Bigyan ninyo sila nang makakain.” Mas madaling paraan ang pauwiin sila kaysa pakainin sila. Paano sila pakakainin? “Wala po tayo kundi limang tinapay at dalawang isda.” itutuloy...

No comments:
Post a Comment