Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, January 19, 2008

Ang Diyos sa Mata ng Bata!

!!! VIVA SANTO NINO !!!

Kapistahan ng Santo Nino:

“Maituturing na natatangi sa ating mga Filipino ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Nino. Bahagi na ng ating tradisyon na ipagdiwang ito mula sa isang simple hanggang sa isang magarbong paraan tulad ng pagpu-prusisyon ng mga imahen ng batang si Hesus na nadadamitan ng iba’t-ibang kasuotan . Gaano man kasimple o kagarbo ang ating pagdiriwang, huwag sana natin malimutan ang tunay na kahulugan at dahilan kung bakit natin ginugunita ang pagiging bata ni Hesus : na sa kanyang pagkakatawang-tao–na siyang dakilang pagpapamalas ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan - kanya ring maitampok ang kalikasan nating mga tao. Tulad nating lahat, naging bata rin siyang lumaki “sa karunungan at pangangatawan” (Lc 2:52).

Nang sinabi ni Hesus na ang paghahari ng Diyos ay para sa mga bata at hindi ito mapapasaatin kung hindi tayo magiging tulad ng isang bata, kapani-paniwala ito dahil Siya mismo ang nakaranas at nagpapakita ng halimbawa sa kanyang buhay. Sa kanyang kamusmusan, lumaki Siyang “kalugud-lugod sa mata ng Diyos at ng tao” (Lc 2:52).

Ano bang katangian mayroon ang isang bata upang mapasakanila ang paghahari ng Diyos? Kapag ang isang bata ay naniwala o may ginawa, lagi itong may kaakibat na pagtitiwala. Kapag tatanungin siya kung bakit niya ginawa ang isang bagay, ang kanyang naging sagot, “Kasi sabi ng nanay ko,” “Sabi ng tatay ko,” o sabi sa kanya ng nakatatanda. Kaiba ito doon sa mga taong naniniwala sa sabi-sabi na kahit na may kakayahan na silang magpasya sa sarili ay hinahayaan pa rin nilang ibang tao ang mag-isip at magpasya para sa kanila. Hindi ganito ang isang bata. Nagtitiwala siyang lubos sa kanyang nanay o sa kanyang tatay sapagkat tanggap niyang mas malaki sila sa kanya, mas marunong at walang ibang hangad kundi ang kanyang kabutihan lamang. Kung hindi na ganito ang asal ng isang bata, nakalulungkot isipin na pumapasok na siya sa mundo ng matatanda nang wala sa tamang panahon.

Ang pananampalatayang may “pagtitiwala” (pagtataya o pag-aalay ng sarili) (ang hinihingi sa atin ng Panginoon. May mga pagkakataon sa natin na hinahamon ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos lalo na sa harap ng naglalakihang mga problema. Huwag sana nating kalilimutan na mas malawak ang pang-unawa, ang awa at kagandahang-loob ng Panginoon. Mas “malaki,” mas dakila at mas marunong Siya sa atin. May mga pagkakataong ang pamamaraan ng pagpapamalas ng Kanyang pagmamahal at pagkalinga ay taliwas sa ating inaasahan at maaaring hindi natin lubos na nauunawaan. Sa mga ganitong pangyayari sa ating buhay, maaari tayong matuto sa mga bata. Kung ang bata ay walang pag-aalinlangang nagsasabi: “Sabi ng nanay ko…”o “Sabi ng tatay ko…? Buong pagtitiwala rin nating sabihin: “Kasi ‘yon ang sabi ng Diyos… Kasi ‘yon ang sabi ni Hesus,” kung mayroong tayong gagawin o pagpapasya. Kapag ganito ang pananaw natin sa buhay, tunay na nasa atin ang paghahari ng Diyos. Sa ating paningin at iyon nga ang totoo sa paningin din ng Diyos, tayo ay mga batang mahigpit niyang niyayakap sa kanyang dibdib at malugod na pinauupo sa kanyang kandungan.
~ P. Lordencio D. Honrada ~

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007