104. Mahalagang matutunan ang aral na ito, lalo na sa ating mga Pilipinong babad sa kultura ng “pagtatanim ng galit” sa mga tinuturing nating mga “walang utang na loob” at sa lahat ng taong walang idinulot kundi sama ng loob. Gaano man kahirap, pinanindigan niya ang kanyang salita: “Mahalin mo ang iyong mga kaaway.” (Mateo 5:44) At pinatunayan Niya ito hanggang sa krus, nang patawarin Niya ang mga nagpahirap sa Kanya: “Ama, patawarin mo sila, pagkat hindi nila alam ang kanilang ginagaw.” (Lk 23:34) Tinuruan din niya tayong ituring ang mga makasalanan hindi bilang criminal na dapat hatulan, kundi bilang maysakit na nangangailangan ng kalinga ng duktor. (Mt 9:12-13) Para sa kanya, wala maiaalok na gamut na mas mabisa pa kaysa pagpapatawad.
Pagpapalayas sa Demonyo (Markos 5:1-13)
105. Sa may bayan ng Gerasa doon naman Niya ipinakita ang mga hakbang na dapat sundin sa pagpapalayas ng demonyo. Sa ulat na ito, pati ang paglalarawan sa taong inaalihan ng mga masamang espiritu ay pamilyar sa atin: nabubuhay siya sa sementeryo, walang makapagpigil sa kanya, sinasaktan niya ang sarili niya. Mga palatandaan ito ng mga nasa kapangyarihan ng masasamang espiritu na madali nating Makita at makilala kahit sa panahon natin ngayon: sa mga taong nabubuhay na parang patay at lumalayo sa kapwa tao, sa mga taong walang control sa sarili, sa mga taong nalulugmok sa awa-sa-sarili at pagsira sa sariling buhay. Kadalasan, alipin sila hindi lang ng isa kundi ng maraming demonyo: mga galit, hinanakit, inggit, takot, at marami pang iba.
106. Ang unang hakbang Niya’y isang tanong: “Ano ang panga-lan mo?” Paniwala nila na wala kang kapangyarihan sa isang bagay hangga’t hindi mo ito nakikilala at nabibigyan ng pangalan. Gayundin marahil sa maraming masasamang espiritu sa lipunan natin. Hindi natin sila mapapalayas hangga’t hindi natin nasusuri, nakikilala, natatanggap, at nabibigyan ng pangalan. Pangalawang hakbang ang pagpapalayas Niya sa mga demonyo at pagpapapasok sa kanila sa mga baboy. Pahiwatig kaya ito na ang masasamang espiritu ay mahilig manirahan sa gitna ng kababuyan? Pangatlong hakbang ang pagpapauwi Niya sa tao upang magkuwento, upang maging saksi sa kabutihan ng Diyos. Hinugot siya sa piling ng mga patay, at ibinalik ng Panginoon sa piling ng mga buhay upang maging saksi ng Mabuting Balita.
Pagpapabangon sa Patay (Juan 11:17-44)
107. Sa Betania naman naganap ang aral na ito: ang pagpapabangon sa kaibigan Niyang si Lazaro mula sa libingan. Mahalaga ring malaman ito kahit ng mga buhay. Di ba’t marami ring taong naglilibing nang buhay sa sarili dahilan sa mga masakit, mapait, at masaklap na karanasan? Karaniwan nga sa ating mga Pilipino ang magsabing: “Tapos na iyon, kalimutan na natin, ibaon na natin sa limot,” kahit alam natin sa loob-loob na nananatili itong sariwa na parang sugat na nagnanaknak sa ilalim ng natuyong balat? Itutuloy…

No comments:
Post a Comment