Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, January 26, 2008

LANDAS NG PAGPAPAKABANAL

108. Narito ang paraan niya kay Lazaro: “Alisin ang batong nakatakip.” Hindi madali ang magbukas, ang mag-alis ng takip ng mga pinakakatago-tago nating mga lihim na bumabagabag sa atin. Tulad ni Marta, ayaw nating mangamoy. Sino bang gustong makitang muli ang baho niya, ang kabulukan ng buhay niya? Subalit ito ang unang hakbang sa pagpapabangon sa patay. Kasunod na nito ang panawagan Niya: “Lumabas ka, Lazaro.” At paglabas niya, makikiusap Siya sa atin, “kalagin ang mga nakatali sa kanya.” Kung kasama Niya tayo sa libingan, sa misyon ng pagpapabangon sa patay, hahamunin Niya tayong huwag matakot sa mga nagkukubli sa libingan, hihikayatin tayong sumama sa pagkakalag sa mga nakatali sa ating kapwa, upang makabangon siya sa piling ng mga buhay.

Alagad, Apostol
109. Marami pang maaaring sabihin tungkol sa landas ni Kristo. Kayo na sana ang bahalang magpuno sa kakulangan ng aming abang pagsusumikap na mailarawan ito. Higit sa lahat ang mahalaga ay ang marubdob na pagpupunyaging laging makasunod sa Kanya. Pagsunod ang kahulugan ng pagiging disipulo, pagiging alagad. Pagsunod upang matutuhan ang landas Niya, ang kalooban Niya. Pagsunod upang maging mga kaibigan Niya. (Juan 15:14-16)

110. Subalit hindi pa buo ang pagiging mga alagad natin hangga’t hindi niya tayo naisusugo. Ito naman ang buod ng pagiging mga apostol. Lumalapit tayo sa Kanya upang makilala Siya; upang ang kalooban Niya’y maging kalooban natin, upang ang landas Niya’y maging landas natin. Bukod-tanging sa ganoong paraan lamang tayo maaaring maisugo bilang Kanyang kinatawan. Sa atin—bilang pamayanan—dapat maaninag si Kristo, katulad ng pahayag ni San Pablo: “Hindi na ako, kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin.” (Galatia 2:20) Tayong pinagkalooban Niya ng iisang Espiritu at naging buhay na katawan ni Kristo, tayo ngayon ang magpapatuloy sa Kanyang Gawain sa kasalukuyang panahon: ang maibalik ang paningin ng mga bulag, ang pandinig ng mga bingi, ang mapalakad ang pilay, mapabangon ang mga patay at maipahayag ang mabuting balita sa mga dukha.

111. Maraming mga tao sa ating piling ang nabulag sa mga maling paniniwala at pagpapahalaga, maraming nabigo at malugmok sa kawalan ng pag-asa, maraming napipi ng masasaklap na karanasan, maraming wala nang gana sa buhay. Sila ang naghihintay kay Kristong nabubuhay sa atin.

IV. PANAWAGAN
112. Bago tayo magtapos, sandali nating balik-tingnan ang layunin ng sulat-pastoral na ito na aming isinaad sa simula. Nabanggit naming doon ang aming hangaring pagtuunan ng pansin ang landas ng pagpapakabanal na ating nakagisnan bilang mga Katolikong Pilipino. Saan tayo nagsimula, nasaan na tayo ngayon, saan tayo patungo? ... itutuloy

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007