Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, May 10, 2008

Kapistahan ng Sambayanang Nananalangin


Linggo ng Penetekostes

Ang karanasan ng mga apostol; noong araw ng Pentekostes (Unang Pagbasa) ay naglalarawan kung paano pumanaog ang Espiritu Santo sa kanila at nagkaroon ng natatanging karunungan at kaligayahan: “Biglang dumating ang isang ugong na tulad ng ihip ng isang malakas na hangin...lumitaw ang mga hiwa-hiwalay na parang dilang apoy na tumigil sa ulo ng bawat isa...at sila’y nagsalita ng iba’t ibang wika”(M. Gawa 2:1-4) Ipinahihiwatig sa mga talata na nananalangin ang mga apostol kung saan nasasaad na matapos umakyat sa langit si Hesus, ang mga apostol ay nagtungo sa Jerusalem, umakyat sa lagi nilang tinutuluyan, kasama si Mariang ina ni Hesus, at doon nagsama-sama sa pagbibigay saksi at pananalangin (M. Gawa 1:12-140. Batay dito, malamang na nananalangin ng ang mga apostol nang dumating ang araw ng pentekostes sapagkat naroon sila sa lugar “na lagi nilang tinutuluyan”.

Nakatulong ang panalangin sa mga apostol upang maging handa sa pagdating ng Espiritu at sa kanilang hinaharap na misyon. Tiyak na nakatulong ang panalangin kay Maria na maging bukas-loob sa ibinalita ng anghel Gabriel na siya’y maglilihi ng isang sanggol na lalaki sa kapangyarihan ng Espiritu Santo (Lc 1:26-38). Maalaala rin na noong pagalingin ni Hesus ang isang sinasaniban ng masamang espiritu ay ipinahayag niya” ‘mapapalayas lamang ito sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno” (Mc 9:29). Pananalangin din ang naging gabay sa kaloob niyang misyon sa mga apostol sa ating Ebanghelyo ngayong Linggo na maituturing na pangunahing Pentekostes: “Kung paaanong isinugo ko kayo. Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang mga kasalanang inyong patatawarin ay pinatatawad, at ang mga kasalanang inyong panatilihin, ay pananantilihin” (Jn 19:21,23).

Sa orihinal na salitang Griyego, ang Pentekostes ay nangangahulugang “ikalimampung araw”, Shabuoth naman ito sa salitang Hebreo na tumutukoy naman sa Kapistahan ng mga ani. Sa kapistahang ito ginugunita ng mga Judio ang pasasalamat sa mga ani na ginaganap pitong linggo matapos ang Kapistahan ng Paghahanda ng Trigo. Sa pagdaan ng mga taon kasama na ring tinutukoy sa Pentekostes ang kapistahan ng pagbibigay ng Sampung Utos sa bundok ng Sinai at ang pakikipagtipan ng Diyos kay Abraham at Noe. Anu’t ano man, lagi nang kalakip ng pentekostes ang pasasalamat pagdiriwang at pagbubukas-loob pagtitipan.

Sa ating panahon, ginugunita natin sa araw ng Pentekostes hindi lamang ang kababalaghan kundi ang kahalahagan din ng pananalanging nagbukas sa mga Apostol sa pagdating ng Espiritu na siya namang nagbigay ng mga katangi-tanging kaloob mula sa iisang Diyos (1 Cor 12:6). Ito rin ang paniwala ng ating Santo Papa Benito XVI sa kanyang mensahe noong Miyerkules NG abo (6 Peberero 2008): “Bukod sa pagiging sandata laban sa mga pagsubok na nagsasara sa ating puso at damdamin, ang panalangin ang siyang susi na nagbubukas sa atin sa ating mga sarili at sa kapwa-bukas sa ating pagkakawanggawa, bukas sa ating pagpapatawad, bukas sa paggawa at bukas sa pagmamahal...Ang tunay na panalangin ay di kailanman pansarili bagkus ito ay tumutugon sa iba. Kapag walang panalangin, mawawala rin ang pag-asa.”

Sa araw ng Pentekostes, nagsisimulang tunay ang pagiging bukas ng mga apostol sa kapwa. Nauunawaan sila ng bawat isa-maging ng taga-Mesopotamia, Judea, Capadocia, at iba pa. Napawi ang kanilang takot, napuspos sila ng pananampalataya at malalim na
pagkakaisa na taliwas sa karanasan ng mga taong gumawa ng tore ng Babel (bas. Gn 11). Ang araw ng Pentekostes ay pagtitipon ng sambayanan sa pamamagitan ng panalangin at pinagbubukas-palad ng Diyos. Ito ay kapistahan ng sambayanang nananalangin sa Ama sa tulong at gabay ng Espiritu. Habang nanalangin, hinahamon din tayong magpatawad, umunawa, at maging huwaran at saksi ng kapayapaan at pag-ibig na dulot ng Panginoon.

~ P. Norman Melchor Peña, SSP ~

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007