Ang tanyag na Italyanong si Dante Alighieri, ang Divina Commedia, ay nagwawakas sa isang madamdaming pangitain ng Diyos. Sa katapusan ng kanyang matulaing paglalakabay sa daigdig ng Inferno, Purgatorio, at Paraiso, nasaksihan ni Dante ang pakikiisa ng sangnilikha sa pagkakaisa ng Banal ng Isantatlo. Ang pagkakaisang ito ng pag-ibig na namamalagi sa Diyos ay nagpapahayag sa atin ng isang katotohanan na hindi natin maitatanggi: na sa kaibuturan ng ating puso, ninanais din natin na makiisa o maging kabahagi ng pagkakaisang ito ng Banal na Isantatlo.
Sa pagbasang hango sa Aklat ng exodo, matatagpuan natin ang panalangin ni Moises sa Diyos na nagpakilala sa kanya at nagpalaya sa bayang Israel mula sa pagkaalipin: ‘Patawarin na ninyo kami at tanggapin bilang inyong bayan!” (34:9). Isang pagluhog ito sa Diyos na pagkaisahin ang Israel bilang isang bayan. Inilalatag ng Diyos ang kanyang kundisyon: Siya lamang ang kikilanin at sasambahin nilang Diyos.
Ang Diyos na nagpakilala din sa atin sa katauhan ng kanyang bugtong na Anak (monogenes) na si Hesukristo. Ibinigay sa atin ng Ama ang kanyang bugtong na Anak (bas. Jn 3:16) hindi lamang sa pagkakatawang-tao nito, kundi lalo’t-higit sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus sa krus. Ang Diyos na nanatiling tapat sa kanyang bayang Israel ay nananatiling tapat din sa atin. Sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, itinuturo niya sa atin ang tunay na daan ng pagkakaisa gaya ng pagiging isa nila ni Hesus na kanyang Anak. Ayon sa Ebanghelyo ni Juan, inihayag ng Panginoon ang katotohanang ito nang sabihin niya: “Ang nakakita sa akin ay nanakita na sa Ama” (14:9).
Kung kaya’t sinasabi sa atin ni San Agustin na “ang Iglesya ay dapat pag-isahin sa Isangtatlo tulad ng isang bahay sa may-ari nito, ng templo sa Diyos nito, ng lungsod sa tagapagtatag nito” (Enchiridion, c. 57). Ito ay isang pagninilay at pagpapahayag ng kalooban ng Diyos para sa lahat ng tao mula pa nang lalangin niya ang unang tao: ang makiisa tayo sa Kanyang buhay ng pag-ibig at kabanalan gaya ng pagkakaisa sa pag-ibig at kabanalan na namamagitan sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
Ang pag-ibig na dumadaloy sa kaibuturan ng Diyos ay nahahayag sa biyayang ibinibigay sa atin ni Kristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na siyang nananatili sa ating piling, sa Iglesya Katolika. Ito ang dahilan kung kaya itinatagubilin ni Apostol San Pablo sa pagwawakas niya sa kanyang ikalawang Sulat sa mga Taga-Corinto: “Sikapin ninyong maging ganap at sundin niyo ang mga payo ko; magkaisa kayo, at mamuhay nang payapa. Sa gayon sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan” (13:11).
Ang pagkakaisa ng sangkatauhan, ang pagkakaisa ng sambayanan, ang pagkakaisa ng mga Kristiyano… ang pagkakaisa natin sa pag-ibig at kapayapaan.. Iisang napakadakilang pagpapala, isang mabigat na tungkulin at siya ring tiyak na daan natin tungo sa Diyos, Ama, Anak at Espiritu Santo.

~ Rdo. David O. Reyes, Jr. ~
No comments:
Post a Comment