Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo:
Isang araw, sa pagsunud-sunod ng isang reporter kay Mother Teresa ng Calcutta, nakita niya kung gaano buong giliw at pagmamahal na pinagmamasdan ng banal na madre ang Katawan ni Kristong itinataas ng pari sa isang misa sa simbahan. Kitang-kita ng reporter na iyon sa mga mata ni mother Teresa ang masidhing pag-ibig nito sa Banal na Katawan at Dugo ni Kristo.
Isang araw, sa pagsunud-sunod ng isang reporter kay Mother Teresa ng Calcutta, nakita niya kung gaano buong giliw at pagmamahal na pinagmamasdan ng banal na madre ang Katawan ni Kristong itinataas ng pari sa isang misa sa simbahan. Kitang-kita ng reporter na iyon sa mga mata ni mother Teresa ang masidhing pag-ibig nito sa Banal na Katawan at Dugo ni Kristo.
Pagkatapos ng Misa, patuloy na sinundan ng reporter si Mother Teresa sa pagbisita naman nito sa mga maysakit. Habang kinakausap at inaaaliw ng madre ang mga maysakit, muling nakita ng reporter ang tagpong nakita ng reporter ang tagpong nakita niya sa loob ng Misa. Isang maysakit, muling nakita ng reporter ang tagpong nakita niya sa loob ng Misa. Isang maysakit na lalaki ang buong pagsuyong minamasdan ni Mother Teresa. Larawan siya ng isang nagmamahal na para bang walang nakikitang ibang bagay o ibang tao kundi ang kanyang minamahal lamang na nasa kanyang harapan. Madaling naunawaan ng reporter kung paano minamahal ni Mother Teresa, ang mga maysakit sa parehong paraan ng pagmamahal niya sa Panginoong Hesu-Kristo sa Banal na Eukaristiya.
Ang Kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ni Kristo na ipinagdiriwang ng buong Iglesya Katolika ngayon ay napakahitik sa kahulugan. Mula sa pagkabata, natutuhan na natin sa katesismo kung paanong ang ordinaryong tinapay at alak ay nagiging Banal na Katawan at Dugo ni Kristo, na siyang ating tinatanggap sa Banal na Komunyon. Hindi isang simbolo ang ating tinatanggap, kundi si Hesus mismo sa kanyang pagka-Diyos at pagka-tao. At sa ating pagtanggap sa kanya, totoong-totoo ring tinatanggap natin ang buhay na walang hanggan. Sa Ebanghelyo, ipinakilala ni Kristo ang kanyang sarili bilang Tinapay na nagbibigay-buhay. Ang kumakain ng kanyang laman at umiinom ng kanyang dugo ay mabubuhay magpakailanman (Jn 6:56-58).
Hindi nakapagtatakang ganoon na lamang karubdob ang pagmamahal ni Mother Teresa sa Banal na Eukaristiya. Para sa kanya, totoong-totoong naroroon si Hesus sa Banal na Eukaristiya. Totoong tinatanggap niya at nakakapiling ang kanyang Minamahal, na si Hesus, sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Subalit para kay Mother Teresa, ang totoong-totoong presensiya ni Hesus ay hindi lamang matatagpuan at natatapos sa Banal na Eukaristiya. Totoong-totoong naroroon si Hesus sa mga taong nangangailangan ng pagmamahal at pagkalinga kaya naman ganun din katindi ang pagmamalasakit ng Madre sa mga dukha at mga maysakit.
Ang Katawan at Dugo ni Kristo ay tunay na kinakatawan ng mga mananampalataya, ng pamayanang Kristiyano. Sabi nga ni San Pablo sa mga taga-Corinto: “Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagama’t marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay” (10:17).
Hindi tayo maaaring makibahagi sa iisang Tinapay, ang Katawan ni Kristo(sa Eukaristiya), kung hindi tayo makikibahagi at magmamalasakit sa mga pagal na katawan ng mga nangangailangan. Tulad ni Mother Teresa, kung marubdob ang pagmamahal natin sa Banal na Eukaristiya, kinakailangang ganoon din karubdob ang pagmamahal natin sa ating kapwa-lalo na ang dukha at higit na nangangailangan. Subalit hindi rin naman magiging mabunga ang hangarin nating tugunan ang paghihirap ng ating kapwa kung hindi natin huhugutin ang ating lakas mula sa Banal na Eukaristiya. Ang pagmamahal sa Diyos, kay Hesus ay tunay na hindi maaaring ihiwalay sa pagmamahal sa kapwa.
Sa isang panayam ni Edward W. Desmond noong 1989 para sa Time Magazine, tinanong niya si Mother Teresa kung paanong naging matagumpay ang mga ginagawa nito para sa mga dukha. Sumagot si Mother Teresa: “Nagpasya si Hesus na siya’y maging tinapay ng buhay upang bigyan tayo ng buhay. Doon namin sinisimulan ang aming araw sa pagsamba sa Banal na Sakramento. Sa palagay ko, hindi ko kakayaning gawin ang tungkuling ito kahit sa loob lang ng isang linggo kung hindi ako mananalanagin ng apat na oras araw-araw.” Tunay ngang naroroon si Hesus sa Eukaristiya at doon lang maaaring bumukal ang ating pagmamahal sa ating kapwa.
~Atty.Arnold Rimon Martinez~
No comments:
Post a Comment