Ni: L.V.L.
Umiikot ang mundo….Tumatakbo ang panahon.
At tila parang nag papa - iwan ka nang kusa.
Naglalakbay na ang lahat nang iyong kabalalay…
Patuloy sa kani - kaniyang destinasyon…
Tinatahak ang landasing walang nakakabatid kung saan tutungo.
Pero nagpapatuloy na sila….
Kahit na di nila batid ang patutunguhan…
Naglalakbay sila…. Kahit walang kasiguraduhan.
Pero ikaw….Di ko inakalang andyan ka pa rin….
Nananatili sa iyong kinatatayuan….
Masaya ka ba sa iyong mundong ginagalawan?
Patuloy mo bang itatanggi sa akin na may malalim kang iniisip…
Na may mga bagay na patuloy na bumabagabag sa iyo…
Na laging may kakulangan kang nararamdaman…
Na laging may mga bagay na akala mo ay alam mo, ngunit…
Takot ka lang na tanggapin…
Oo sige na... Tatanggapin ko na ang mga sinabi mo sa akin…
Na ayos ka lang…
Na alam mo ang ginagawa mo…
Na nasa plano na ang lahat…
Pero naisip mo rin ba di ka laging tama….
Na kabaliwan ang pakikipag usap mo sa iyong sariling gunita.
Tanggapin mo na ang realidad..
Magpatuloy ka na sa paglalakbay mo…
Tapusin mo na ang paglingon at pagsasaayos nang mga bagay….
Na napag lipasan na nang panahon…
Dahil alam mong walang patutunguhan ang ganon…
Pero patuloy mo pa ring ginagawa…
Dahil sa takot ka.Sa pagsisimula ulit...
At sa pagpapatuloy...Kaibigan, andito lang ako sa tuwina…
Nakaupo sa tabi mo….Tahimik….
Naghihintay na ngitian mo.
At sabihing, kailangan mo nang kausap…
Huwag kang matuwa sa iyong mumunting sulok
Itigil mo na ang mga bagay na ginagawa mo…
Na alam mong makakasira sa iyo…
Tapos na ang mga panahong iyon…
Nang mga luha…Nang mga huling halik….
Nang mga huling akap…
Nang pamamaalam…
Gunitain mo kung kailangan…
Ngunit wag kang malugmok
Kumilos ka…Magpatuloy sa iyong paglalakbay...
Patungo sa destinasyon…
Na di mo man alam ang kalalabasan...
Ang mahalaga'y nagpatuloy ka...
Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Saturday, May 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment