Habang tumataas ang temperature sa buwan ng Hulyo, dumadami rin ang peligro sa pagkakaroon ng food poisoning. Ayon sa pananaliksik na isinagawa ng Korea Food and Drug Administration, ang food poisoning na naranasan sa buwan ng Mayo at Hunyo ay pareho sa Hulyo at Agosto. Subalit dahil sa kawalan ng ingat, hinde nilalagay ng mga tao ang kanilang mga pagkain sa refrigerator tuwing tag-init na nagiging dahilan ng pagiging malapit nila sa pagkakaroon ng food poisoning.
Ang food poisoning ay karaniwang makikita sa pamamagitan ng pagsuka, sakit sa ulo at pagkahilo, Madaling gamutin kung agad malalapatan ng lunas. Mayroong mga kaso kung saan ang enteritis o diarrhea at sakit sa tiyan ay nagiging malubha. Huwag magugulat kung makakaranas ng diarrhea at pagsusuka dahil nilalabas nito ang mga toxins, na natural na reaksyon ng katawan, subalit kung ang dehydration o ang mataas na lagnat ay magpatuloy, mas makabubuting magtungo agad sa doctor.
Upang maiwasan ang food poisoning, napakahalagang hugasan ang mga kamay ng mabuti. Siguraduhing malinis ang mga kamay bago magluto at kumain. Una, hugasan ang mga gamit sa pagluluto at i-sterilize ang mga kutsilyo, sangkalan at dish towel, ang paggamit din ng chlorine bilang disinfectant ay possible.
Iwasan ang pagkain ng hilaw na isda at tinadtad na hilaw na karne ng baboy. Palagiang ilagay ang pagkain sa refrigerator at kapag nadefrost ito, kainin ito agad at huwag muling ibalik sa freezer. Kumpirmahin lagi ang expiration date ng mga pagkain at huwag kainin ito kung expired na.
(Reprinted from MigrantOK)
No comments:
Post a Comment