Dear Kabayang Pitoy,
Ako po ay malugod na taga subaybay ng inyong Sambayanihan at ako’y nakikiliti sa mga kwentong migrante na ‘yung inilathala. Gusto ko rin pong ibahagi sa iyo ang aking karanasan bilang “biyahira”. Pasensya na po kayo kasi bisaya po ang tagalog ko as in… Tawagin niyo na lang po akong “gandang biyahera”. Ako po ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagdala ng mga kagamitan at pera ng ating mga kababayan pauwi sa Pinas dahil sa awa ng Diyos ako po ay may tourist visa. Bale ang nanay ko po ay nakapag “tsinggo” ng Koreano at kaya ako po ay kukuha ng 15 days tourist Visa sa atin at pagdating dito ako ay nag aarubayt sa mga factory at tapus ng 15days ako ay magpa extend ng 59 days bago uuwi at mag aaply ulit ng Toursit Visa. Kadalasan po ako rin ay kumukuha ng mga order na damit sa Pinas at mga borloloy, pabango at mensan ako po ay nagdadala ng bata pauwi sa Pinas.

Kabayang Pitoy, ako po ay natutuwa dahil kahit papaano kumikita naman po ako at ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay “gandang biyahera”. Pwede po ba akong sumali sa inyong patimpalak na gagawin sa KangWonDu beach na Search for Ginoo-Binibining Pilipinas sa Korea? Sa mga criteria mukhang may panlaban ako sa bunong braso dahil sanay po akong magbuhat ng mga mabibigat na bagahe. Salamat po.
Ang iyong Tagahanga,
Gandang Biyahera
No comments:
Post a Comment