Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, April 19, 2008

Manalig Kayo sa Diyos

Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay:

May mauunawaan ang Ebanghelyo ngayong Linggo kung babasahin ang mga naganap bago ang sanaysay na ito. Makikita sa kapitulo 13 ng Ebanghelyo ni Juan na si Hesus ay kumakain ng Huling hapunan na kasama ng kanyang mga disipulo. Sa hapunang ito, siya ay namamaalam na ang sabi: “...sandali na lamang ninyo akong kasama , Hahanapin ninyo ako …”(13:33). Sa hapunan ding ito naganap ang pagbubunyag ng nalalapit na pagkakanulo ni Judas kay Hesus at ang magaganap na pagtatakwil sa kanya ni Pedro.

Kung ilalagay natin ang ating mga sarili sa katayuan ng mga alagad, siguradong tayo ay mababagabag at maaaring itanong natin kay Hesus: “Paano kung wala ka na?” Siya na kinikilala nilang pinunong magtatanggol at gagabay sa kanila, ngayon ay namamaalam at nagsasabing “hindi makapupunta kung saan ito paroroon” (13:33). Palagay ko ay mauunawaan ng kahit sinuman ang damdamin ng mga alagad na pagkabagabag.

Hindi manhid si Hesus. Nakita at nadama niya ang pagkabagabag na ito ng mga disipulo. Kaya nga’t sinabi niya sa kanila: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin” (14:1). Kung gayon, pananalig ang maaaring pagmulan ng pagkawala ng pagkabagabag. Inaanyayahan sila ni Hesus na manampalataya, dahil balang-araw ay makakasama rin nila siya kung saan man ito patutungo (14:3).

Hindi madali ang manalig. Maaaring maging kalakip nito ang pag-iwan sa mga bagay o tao na higit nating pinahahalagahan. Halimbawa, si Abraham na isa sa mga ama ng ating pananampalataya ay kinakailangang iwan ang kanyang lupang tinubuan at magtungo sa lugar na ipinangako sa kanya ng Diyos. Si Hesus mismo ay nanalig sa Ama sa kabila ng lahat na alam niya kung ano ang maaaring maging gantimpala ng pagpapahayag niya ng Mabuting Balita. Siya ay nagpahayag ng tunay na pananampalataya: “Abba (Tatay), lahat ay posible para sa iyo. Alisin mo sa akin ang ang kalis na ito. Ngunit hindi ayon sa aking kalooban kundi sa iyo” (Mc 14:36). Kaya’t ito rin ang paanyaya niya sa mga alagad: “Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin” (14:1)

Bakit dapat manalig kay Hesus? Siya mismo ang nagsabi: “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay” (14:6). Idinagdag pa niya: ‘Maniniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa” (14:11). Kung tutuusin, nararapat lamang na manalig dahil hindi naman iniwan ni Hesus na nangungulila ang mga alagad. Ipinangako niya ang pagdating ng Banal na Espiritu”… ibibigay ng Ama sa inyo ang bagong Tagapagtanggol upang makasama ninyo magpakailanman: ang Espiritu…”(14:16). Sabi pa niya: “Hindi ko kayo iiwang ulila; pabalik ako sa inyo”(14:18.

Kung gayon, tama ang sinasabi ng makararami. Ang patunay ng muling pagkabuhay ni Kristo ay hindi lamang ang walang libingan. Higit na patunay ni Kristo ang pagkawala ng takot ng mga disipulo dahil sa kanilang pinagtataguan at ipinahayag nila ang Muling Pagkabuhay ni Kristo dahil nadama nila mismo na ito ay “buhay”ang tunay na Daan patungo sa Ama, ang Katotohanan dahil siya ang buhay na Salita, at ang Buhay na nagbibigay buhay sa lahat ng nananalig sa kanya.

Pagninilay:
· Paano ko nakikita at nadaram sa buhay ko ngayon na “buhay” si Kristo?
· Nananalig ba ako na siya ang tunay na Daan, Katotohanan at Buhay?

~ Sr. Maria Cecilia M. Payawal, PDDM ~

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007