Ika-6 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay:
Sa mga salita ni Hesus sa Ebanghelyo (Jn 14:15-21). Ipinahahayag niya na pagkatapos niyang mabuhay namagmuli, ipadadala niya ang Espiritu Santo sa mga Alagad. Sa ganitong paraan naipakilala na ni Hesus ditto ang hiwaga ng tatlong Persons sa Banal na Santatlo.

Kung wagas ang pag-ibig natin kay Hesus, tutuparin natin ang kanyang utos. Wika ni san Juan Crisostomo: “Ito ang wagas na pag-ibig na pag-ibig: ang tumalima at manampalataya sa iniibig” (Komentaryo tungkol kay Juan,74). Una tayong inibig ng Diyos, kaya dapat natin siyang mahalin at ang ating kapwa (1 Jn 4:19, 21).
Ang ipadadala ni Jesus ay ang Espiritu Santo, ang “Paraklito” na nangangahulugang “tinawag sa tabi ng isang tao” upang magbigay-payo at dangal at magtanggol. Siya ang isa pang Paraklito, sapagka’t si Kristo mismo ang ating Tagapamagitan (Heb 9:15).
Maaari nating ituring ang Anak at ang Espiritu Santo bilang dalawang Tagapagtanggol natin ditto sa lupang ibabaw. Marapat lamang na kilalanin natin ang Espiritu Santo, sapagka’t siya ang karamay natin habang tayo’y nasa “bayang kahapis-hapis” (Aba Po, Santa Maria).
Ang Espiritu Santo ang bukal na kabanalan ng lahat ng mga tao. Higit sa lahat, siya ang bukal ng kabanalan ng taong ipinaglihi at isinilang ni Maria, at lalong siya rin ang bukal ng kabanalan ni maria. Mula sa simula ng paglilihi sa kanya, ang Taong ito, na anak ng Diyos, ay nakatanggap mula sa Espiritu Santo ng ibayong kaganapan ng kabanalan, na katumbas ng karangalan ng kanyang Persona bilang Diyos (halaw kay Santo Tomas, S. Th., III, Q. 7, AA. 1,9-11)” (Juan Pablo II, Katekesis tungkol sa Sumasampalataya, Mayo 23, 1990).
Ayon kay San Basilio Magno: Santo, naibabalik sa atin ang paraiso. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, naibabalik sa atin ang paraiso. Sa pamamagitan niya maaari tayong umahon sa kaharian ng langit. Sa pamamagitan niya nakakamit natin ang pagiging ampong anak ng Diyos. Sa pamamagitan niya naibibigay sa atin ang tiwala na tawagin ang Diyos na ‘Ama’ gayungdin ang pakikibahagi sa biyaya ni Kristo, ang karapatan na tawaging mg anak ng liwanag, ang maging kaisa ng walang hanggang kaluwalhatian, at sa madaling salita, ang kaganapan ng tanag pagpapala, sa buhay na ito at sa kabila. Sa pamamagitan niya, maaari nating pagmasdan na parang salamin, na wari bang naririto na ang mga mabubuting bagay na ipinangako at inihanda para sa atin at ating inaasahan, sa pamamagitan ng pananampalataya, na makakamit” (Tungkol sa Espiritu Santo, 15).
Ayon kay San Basilio Magno: Santo, naibabalik sa atin ang paraiso. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, naibabalik sa atin ang paraiso. Sa pamamagitan niya maaari tayong umahon sa kaharian ng langit. Sa pamamagitan niya nakakamit natin ang pagiging ampong anak ng Diyos. Sa pamamagitan niya naibibigay sa atin ang tiwala na tawagin ang Diyos na ‘Ama’ gayungdin ang pakikibahagi sa biyaya ni Kristo, ang karapatan na tawaging mg anak ng liwanag, ang maging kaisa ng walang hanggang kaluwalhatian, at sa madaling salita, ang kaganapan ng tanang pagpapala, sa buhay na ito at sa kabila. Sa pamamagitan niya, maaari nating pagmasdan na parang salamin, na wari bang naririto na ang mga mabubuting bagay na ipinangako at inihanda para sa atin at ating inaasahan, sa pamamagitan ng pananampalataya, na makakamit” (Tungkol sa Espiritu Santo, 15).
Tunghayan naman natin ang pangaral ng patron ng mga kura paroko, si San Juan Maria Vianney: “Walang nang ibang bukal ng kanilang kaligayahan ang mga banal kundi ang kanilang katapatan sa pagsunod sa mga galaw na ipinadadala ng Espiritu Santo sa kanila” (Sermon tungkol sa pananatiling tapat hanggang wakas). Sabi naman ni Beato Juan XXIII: “Ang bawa’t isa sa mga Banal ay obra maestro ng Espiritu Santo” (Allocution, Hunyo 5,1960).
Magsilbi nawang mitsa ang mga banal na karunungang ito upang maglagablab sa pag-ibig ang ating pananalangin, at magpaigting sa hangarin nating sumunod sa pagkilos ng Espiritu Santo na laging nagtuturo sa atin kung paano iibigin ang Ama at ang Anak na pinakamainam at nararapat na paraan.
~ P. Emmanuel C. Marfori ~

No comments:
Post a Comment