Ang mag-asawa ay tinatawag na “magkabiyak”. Ang isa ay “kabiyak” (better half” sa Ingles) ng isa. Samakatuwid, kulang at hindi buo ang isa kung wala ang kanyang asawa. Kahit sa karaniwang karanasan, tila laging kulang ang tao kaya naghahanap siya ng katuwang. Kung may nagkukuwento, may nakikinig. Sa mga kasayahan, may nagpapatawa, at may “taga-tawa”. Sa isports, may manlalaro at may referees, may taga-iskor. Sa basketbol, kailangang dalawang koponan ang maglalaban at bawat koponan ay may limang manlalaro na bawat isa ay may kanya-kanyang posisyon. Sa madaling salita, sa anumang larangan ng buhay, laging kailangan ng tao ng kapwa-tao para mabuhay at maging makabuluhan ang kanyang buhay. Hindi ganito sa langit. Totoo, magkakasama ang mga banal sa muling pagkabuhay ngunit ganap at buo ang bawat isa, dahil binuo at pinaging-ganap na sila ng Diyos na lumikha sa kanila.
Ang ebanghelyo ngayon ay hindi tungkol sa pag-aasawa o sa kasal. Hindi rin nito sinasagot kung may muling pagkabuhay nga ba o wala. Ipinagpapalagay na agad dito na totoong may muling pagkabuhay. Ang tunay na usapin ay kung ano ang muling pagkabuhay.
Sa ikatlong kapitulo ng Aklat na Tobit, nasasaad na pitong ulit na nabalo si Sara at ang kuwentong ito ang ginamit ng mga Saduseo sa ebanghelyo ngayon upang lituhin at siluhin si Hesus. Gusto lang ipamukha ng mga Saduseo kay Hesus, na kalokohan ang muling pagkabuhay kaya ginamit nila ang kuwentong ito at mismong Utos ni Moises tungkol sa pag-aasawa na inilalarawan sa Deuteronomio 25:5-10 at mas pinatingkad sa kuwento ng pag-aasawa nina Ruth at Boaz. Ayon sa Utos ni Moises, sa sandaling mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki ang dapat mapakasal sa balo. At kung pagbabatayan ang nangyari kay Ruth, maaaring pitong ulit ngang mapakasal ang isang babae at sa muling pagkabuhay, malaking gulo nga ito–lalo na’t kung pare-parehong walang supling ang balo sa mga ito.
Subalit, hindi nga tungkol sa pag-aasawa at karapatan ng mga naging asawa ang ebanghelyo ngayon. Sa halip, tungkol ito sa katotohanan-sa ating kamatayan, hindi na tayo anak, asawa, kapatid, kasintahan o kaibigan ninuman. Sabi ng ang Dominikanong si Richard Finn sa kanyang pagninilay, “Hindi nawawala ang pag-ibig at pagkakaibigan sa sandali ng kamatayan; hindi ito napapalitan ng impersonal na uri ng kabutihan. Nananatiling maalab at marubdob ang pag-ibig; nananatili ang pagmamahal ng bawat mag-asawa at naging magkasalo sa buhay at kasaysayan.” Nananatili ang mga relasyon. Subalit ang lahat ng relasyon ay pumapangalawa lamang sa relasyon natin sa Diyos. Sa Muling Pagkabuhay, ang tanging relasyong “that really counts” ay ang relasyon sa Diyos bilang kanyang mga anak.
Itinuturo ni Hesus na sa Muling Pagkabuhay, lahat tayo ay magiging mga anak ng Diyos. Sa kanyang piling sa langit, hindi na natin kailangan ng “ka-partner”; hindi na natin kailangan ng kakuwentuhan. Hindi na. Dahil sa kanyang piling mababatid natin na SASAPAT NA SIYA.
Sa dulo ng ebanghelyo, ginamit ni Hesus ang sinabi ng Diyos kay Moises: “Ang Panginoon ay tinawag niyang Diyos ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.” Kung lilimiin, ang mga lalaking ito ng Lumang Tipan ay nagkaroon din ng mga relasyon, subalit sa pagbanggit sa kanila ni Hesus, binibigyang-diin niya na nabubuhay na sina Abraham, Isaac at Jacob sa presensiya ng Diyos at para sa kanila sapat na ito. Tayong mga nabubuhay ngayon sa makabagong milenyo, sasapat na ba ang Diyos sa atin?
~ Atty. Arnold R. Martinez ~

No comments:
Post a Comment