By: Blaise
Isang araw nagising umiiyak,
Pinukaw Mo ako’t upang magganyak.
Pasasalamat sa Poong sa aki’y nag-alay,
Buhay Mong payak bagamat laging pumapatnubay.
Ang tangi ko po palang gagawin,
Ang manalangin at Ikaw’y sundin.
Turo Mong pag-ibig sa kapwa ay ibahagi,
Ipaaabot at ilagak ang misteryong Mong pagkandili.
Maghihintay ako sa Iyong muling pagdating Panginoon,
Lakas Mo’y sapat na upang matarok.
Ang Iyong ginawang katangi-tangi paghahandog,
Buhay kong may saya’t lungkot,
Sa piling Mo’y di malalagot.

No comments:
Post a Comment