Sulat Pastoral ng Kapulungan ng mga Obispong
Katoliko ng Pilipinas-Sa mga Pilipinong Katoliko
(Hulyo 1999)
67. Sa mga karismatikong prayer-meetings, kasama sa pagdiriwang ang huntahan, ang awitan, sayawan, sigawan, iyakan, at tawanan. Dito, hindi lang sila tagapakinig sa isang liturhiyang halos sinasarili ng pari mula simula hanggang katapusan. Dito, may pagkakataon ang mga kasapi upang magpahayag ng sarili, magbigay ng mga patotoo batay sa kanilang mga karanasan sa buhay. Dito, nagkakaroon ng pagkakataon ang kasapi na mapagnilayang mabuti ang salita ng Diyos, sa kanilang mga Bible study. Dito rin sila nabibigyan ng mga pagkakataong makapag-ambag ng kanilang mga kakayahan sa simbahan: sa pagtuturo, sa pamumuno, sa pag-awit, at sa maraming iba pang paraan, bilang mga laiko. Higit sa lahat, marami sa kanila ang nakapagdudulot ng bagong sigla at buhay sa simbahan, lalo na kung nananatili ang kanilang katapatan at kaugnayan sa kani-kanilang mga parokya.
Gabay sa Pagninilay at Diskusyon
1. Anong uri ng landas ng pagpapakatao at pagpapakabanal ang naipamana sa inyong diosesis at papaano pinagtitibay at pinagpapatuloy ito ng Simbahan sa inyong lugar?
2. Sa inyong palagay, papaano nagiging makatotohanan o di-makatotohanan ang paglalarawan ng Sulat-Pastoral tungkol sa kalooban ng Pilipino?
3. Ano ang mga katutubong kasabihan, Gawain, larawan at kaugalian sa inyong lugar at diosesis na nagpapahiwatig sa kalooban ng Pilipino at sa kanyang kahiligan sa Banal?
4. Paano makatutulong ang Pilipinong kalooban para sa ikauunlad ng ating buhay pampulitika, pang-ekonomiya at pangkultura:? At papaano naman nagiging hadlang ang ating kasalukuyang kalagayang pampulitika, pang-ekonomiya at pangkultura sa pagsulong ng Pilipinong kalooban?
II. PAGKILATIS
68. Tayo ay isang bayang may-loob-sa-Diyos. Katatapos pa lamang nating ilarawan ang kaloobang ito batay sa mga kasabihan, kagawian, kaugalian, at mga kahiligan natin bilang mga Katolikong Pilipino. Sinikap nating bigkasin kung sino ba tayo, sino at ano ba ang Diyos para sa atin, at ano ang nasasalamin sa ating kalooban ukol sa Gawain ng pagpapakabanal at pagpapakatao batay sa mga pahayag ng ating mga kaisipan, pananalita, at Gawain bilang mga indibidwal, bilang mga pamilya, bilang mga pamayanan at lipunang naturingang “Katoliko” at “Pilipino.” Batay din sa paglalarawang ito, kahit paano’y naaninag natin kung ano para sa Pilipino ang kahulugan ng pagsunod kay Kristo o ang magpaka-Kristiyano.
69. Sa bahaging namang ito, hayaan ninyong kilatisin naming ang nailarawang mga alahas ng kaloobang Pilipino mula sa lente ng pananampalatayang aming pinanghahawakan bilang inyong mga Obispo at “nakatatanda”. Sa pamamagitan ng pagkilatis na ito, hayaan din ninyong maipahayag naming ang ilang mga puna at agam-agam tungkol sa ating nakagisnan at pinanghahawakang “loob-sa-Diyos”.
... itutuloy

No comments:
Post a Comment