Sulat Pastoral ng Kapulungan ng mga Obispong Katoliko ng Pilipinas -Sa mga Pilipinong Katoliko
(Hulyo 1999)
Para sa nakararami, hindi kumpleto ang Linggo kapag hindi nakasimba, kapag hindi nakapulot ng aral, kapag hindi nakapakinabang. Nagiging mapili na rin ang iba sa mga paring sisimbahan: kung mahusay ba o malaman ito kung mag-homiliya. Sa katunayan, kapansin-pansin na sa maraming mga simbahan, ang aral ng pari ang nagiging tutok ng pagdiriwang, kaya’t nagiging malaking kabiguan para sa ilan sa kanila kapag parang hindi sila nakadama ng kabusugan ng kalooban sa homiliya ng pari.
63. Subalit kahit napupuno ang ating mga simbahan kapag Linggo, hindi pa rin maitatatwa na nakararami pa rin sa mga Katolikong Pilipino ang hindi nagsisimba tuwing araw ng Linggo. Sa marami sa kanila, walang particular na dahilan ang hindi pagsisimba: hindi lang nakagawian; hindi lumaki sa pamilyang pala-simba, o walang nagpakilala sa kanila sa kahalagahan ng pagsisimba tuwing Linggo. Subalit Katoliko pa rin ang turing nila sa sarili, dahil nabinyagan sila, at may mga pinaniniwalaan—kahit paano—sa mga turo ng Simbahang Katolika. Kung hindi man nagagawang magsimba ng Linggo, bigla naman silang sisipot sa simbahan sa mga araw ng pinahahalagahan ayon sa nakagawian: piyesta ng patron, Pasko, Mahal na Araw; atbp.
64. Sa gustuhin man natin o hindi, pangunahin pa ring silbi ng Misa sa mga Katolikong Pilipino ang magdulot ng pagkaing pang-kaluluwa sa indibidwal na mananampalataya. Hindi pa ganoon kalakas ang kamulatan sa Misa bilang mahalagang pagpapahayag ng pamayanang Kristiyano ng kanyang sarili bilang katawan ni Kristo.
H. ANG PAGSULPOT NG MGA CHARISMATIC RENEWAL MOVEMENTS AT IBA PANG KILUSANG LAIKO
65. Dulot na rin marahil ng kakulangan ng personal at pangpamayanang ugnayan sa ating mga simbahan, at maging sa ating mga pagdiriwang, unti-unting nagsulputan ang mga kilusang malakas ang diin sa mga nasabing aspeto ng pananampalataya. Sa marami, hindi na sapat ang pagsisimba at iba pang mga pansariling debosyon lamang. Dumarami na ang naghahanap ng samahan, ng mas mainit na kapatiran, ng mas maliliit na pamayanan. Marami nang iba’t ibang mga kilusan ang sumulpot upang tugunan ang pangangailangang ito.
66. Sa maraming mga bagong kilusan sa simbahan, hindi maitatatwa ang mahalagang kontribusyong naidulot ng mga kilusang karismatiko sa Simbahang Katolika. Kung dati’y tumitiwalag muna ang ilang mga Katoliko at napapasama sa mga sektang fundametalista para mapagbigyan ang hangaring ito, ngayo’y hindi na sila kailangang lumayo pa. Sa loob ng bakurang Katoliko, nakakatagpo na sila ng mga samahang nakakatugon sa pangangailangang ito. Dito napagbibigyan ang kaloobang Pilipinong hindi nakukuntento sa napaka-pormal at may pagkadayuhang liturhiya ng Simbahan.
... Itutuloy

No comments:
Post a Comment