Ni L. V. L.
Sinaktan mo ako,
At iniwang luhaan.
Nang ‘yong mga salitang,
Pinag-isipan, di man lang.
Ipinitik nang dila mo,
Mula sa utak mong tigang.
Wala man lang pasintabi,
Kung ako ay hinusgahan.
Nagtatanong ang isip,
Bakit ako ang sinisisi.
Ang iyong mga paratang,
Lagi na lang walang pasubali.
Ang bawat kilos ko,
Sa mata mo’y laging mali.
Hanggang kaylan kaya ,
Poot ko ay maikukubli.
Lahat nang mali mo,
Ay aking pinalampas.
‘Wag mo na sanang paguluhin,
Buhay kong pinapantas.
Sa iyong paglalakbay,
Ako nang lalayo sa ‘yong landas.
Iwanan mo na ko,
Aalisin na kita sa ‘king bukas.
Nais ko lang naman,
Ay ‘wag mo kong pahirapan.
Sa mga salita’t kilos mo,
Mula sa utak mong animo’y
walang laman.
Sa mga naisin at gawain ko,
Ako sana ay iyong pabayaan.
Kalayaan ang nais ko,
Ibalik mo ang buhay ko,
‘Wag kang masyadong gahaman.
No comments:
Post a Comment