Ika-5 Linggo ng Kuwaresma:
May down syndrome si Philip sa isang Sunday school sa kanilang parokya, ang turing sa kanya ng mga kalaro niya at kaeskwela ay kakaiba, kaya naman hindi siya agad tanggap ng mga ito. Minsan pagkatapos ng pagdiriwang ng Linggo ng Muling Pagkabuhay, nagbigay ng takdang-aralin ang guro ng Sunday school sa siyam niyang mag-aaral, kasama si Philip. Binigyang niya sila ng isang laruang itlog na maaaring buksan at lagyan ng laman. Iniutos niya sa kanila na lumabas at maghanap ng bagay na maaaring maging simbolo ng bagong buhay, at ilagay ito sa loob ng itlog. Pagbalik ng mga mag-aaral, isa-isang binuksan ang itlog. Ang isang babae ay nagdala ng mga bulaklak; ang isa naman ay bato; subalit nang buksan ng guro ang isang itlog, nagulat ang lahat dahil wala itong laman. Sabi ng isang mag-aaral: “May mali yata rito. May hindi gumawa ng takdang-aralin!” Mula sa likod, kinalabit ni Philip ang kanilang guro at sinabi: “Sir, akin po ang itlog na ‘yan.” Lumapit ang nagagalit na kaeskwela at sinabi, “Bakit hindi mo ginawa ang iyong takdang-aralin? Wala ka talagang ginagawang tama!” Sumagot si Philip: “Tama ang ginawa ko! Tama ako! Walang laman ang libingan!” (mula sa Heartwarming Christian Stories).

Ngayon ang huling Linggo ng Kuwaresma at papasok na tayo sa maluwalhating panahon ng Muling Pagkabuhay ni Lazaro, pinasisilip ng Panginoon sa atin ang magaganap sa mga taong sumasampalataya sa Kanya-magkakamit sila ng buhay na walang hanggan. Subalit, hindi basta magaganap ang ating muling pagkabuhay. Kinakailangang lumakad sa ilalim ng araw-ng liwanag-ang sinumang nagnanais na magkamit ng buhay na walang hanggan (Jn 11:9-10).
Ngunit madalas, nangunguyapit tayo sa kadiliman at doon ay kuntento na tayo. Ayaw nating lumabas sa ating mga “libingan.” Nais nating mapuno ang libingan ng mga bagay na hindi natin mapakawalan. Naririyan ang mga masasama nating bisyo; naririyan ang ang tawag ng kayamanan at katanyagan; inaakit tayo ng panandaliang ligaya dala ng laman; binubusog natin ang ating mga sarili ng pagkaing nasisira rin at sumisira sa atin at marami pang iba…
“Lumabas ka!” Ito ang tawag ni Hesus kay Lazaro. Nais ni Hesus na maging hungkag na ang libingan. Wala nang laman ang libingan. Ginawa na niya ito para sa atin, at makahulugan niya itong ginawa nang tawagin niya si Lazaro na lumabas mula sa libingan. Makapangyarihan ang tinig ni Hesus, subalit ang pagkukusa ay nasa atin pa rin. Hindi niya hinugot si Lazaro mula sa libingan; sa halip TINAWAG niya ito at TUMUGON naman si Lazaro.
Ngayong Huling Linggo ng Kuwaresma, nais ng Inang Simbahan na maunawaan ng bawat Kristiyano na ang pag-aalay ng buhay ni Hesus ay hindi nagtatapos sa libingan. WALA NANG LAMAN ANG LIBINGAN! Tama si Philip sa ating kuwento-wala nang laman ang libingan. Walang dapat panguyapitan sa mundong ito. Lahat ay dapat nating isuko sa Diyos. Kailangan nating lumabas mula sa ating mga “libingan” upang matamasa natin ang sarap ng Muling Pagkabuhay.
Ngunit hindi magiging madali ang lahat, sapagkat sa paglabas natin mula sa libingan-naririyan ang maraming tukso at pagsubok. Subalit hindi tayo nag-iisa. Magsusugo ang Panginoon ng mga taong tutulong at magiging kabahagi ng ating paglalakbay tungo sa buhay na walang hanggan. Tulad ng ginawa niya kay Lazaro na kung saan iniutos niya sa mga naroroon na “Kalagan ninyo siya, at nang makalaya,”(Jn 11:44) magsusugo rin ang Panginoon ng mga taong magiging kaagapay natin sa pagharap sa hamon ng buhay pagkalabas natin sa ating mga “libingan.” Ang mahalaga lamang ay patuloy tayong “lumabas” mula sa libingan at huwag nang magbabalik pa rito.
~ Atty. Arnold R. Martinez ~
No comments:
Post a Comment