Welcome to the Changhyun Filipino Catholic Community blogsite !!!

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong

Welcome to Korea Fr. Cedric Alimbuyong
Fr. Cedric replaces Fr. Dong Marcaida. Have a happy, fruitful and blessed days with us all!

Saturday, April 19, 2008

SA MULING PAGPATAK NG IYONG LUHA!!!

Ni: L.V.L.

Mahigit kumulang na isang dekada na rin ang unti unting lumipas.
Di ko na namalayan... Parang ang bilis nang panahon. Tumatanda na pala ako...
At sa paglipas ng panahon, sa bawat pagpapalit ng kulay ng mga dahon...
Sa kanilang pag patak.... at sa muli nilang pagsibol, parang ang dami kong nakaligtaan...
napabayaan.... nakalimutan at tuluyan nang di napaglaanan ng pansin....

Pero sa lahat nang ito.... ikaw at tanging ikaw lang ang di nawala sa aking gunita...
Laging may mga bagay na nagbibigay ng mga alaala ukol sa’yo...lagi kang anduon.... kasama ko...
Nakakalungkot mang isipin na sa haba nang panahon na di na tayo nagkasama...
Sa isa't isa pa rin tayo tumatakbo kung me problema tayo.... kumukuha nang suporta...

Halos isang dekada na rin.....Bumuo tayo nang pangarap at unti unti din itong tinibag nang panahon at di pag kakaunawaan.....Tinibag nang kawalang pag-aala-ala sa mararamdaman nang isa...
Ilang beses ko na bang pinapatak ang mga luha sa iyong mata.... Di ko na mabilang...
At di ka man maniwala sa aking mga sasabihin ngayon...

Sana ay mapatawad mo ako nang lubusan, sa lahat nang aking mga pagkukulang....
Wala akong intensiyon na paluhain ka.... na saktan ka... na balewalain....
Nabulag lang ako nang aking mga pangarap... at nakaligtaan ko na paglaanan ka
nang oras at nang aking sarili...
Ngayon, dahil sa aking pagkamakasarili at kawalan nang pakiramdam...

Alam ko na patuloy ka nang lalayo dahil sa mga nagawa at nasabi ko...
Sa paglimot ko sa mga pangakong tinuran ko sa iyo nuon...
Na sa tagal nang panahon at naging mga pangako na lamang...
Mapatawad mo pa sana ako...

Patawad sa mga idinulot kong luha....
Sana sa muling pagpatak nang luha sa iyong mga mata, di na ako ang laman nang iyong gunita....
Na sana sa pagpatak muli nang iyong mga luha... sana’y di na pasakit ang dahilan kundi saya...
Sana sa pagpatak muli nang iyong mga luha.......... di na ako ang dahilan....

No comments:

Onfino Open Event Promo Winners

Onfino Open Event Promo Winners
Nobody's a Loser Only at Onfino! So keep visiting www.onfino.com (pls. click image)

Happy 2nd Anniversary Guri Filipino Catholic Community

Dongduchon Filipino Catholic Community

Chonmasan Community 6th Anniversary

Guri Filipino Catholic Community

First Year Anniversary, July 7, 2007