12th Sunday in Ordinary Time
Sa maraming t-shirts ngayon, o kaya sa mga caps, o kaya sa mga stickers, madalas nababasa natin ang mga salitang, “No Fear”. Kung kaya’t siguro, ang inaakala natin, ito ay bagong motto. But then actually, hinde po ito bago. Kasi sa katunayan, kahit nung panahon ni Hesus, ay mayroon na ito. At ’yan ay malinaw na malinaw ditto sa Ebanghelyo. In fact, Christ starts his Gospel with a message to the apostles, at siempre po, kasama na tayo diyan, sabi niya, Fear no one”. In other words, sinabi ni Hesus, “No Fear”.

Dito po sa loob ng Ebanghelyo na ito, Christ gave three reasons kung bakit sinabi niya sa kanyang mga alagad at sa atin, “No Fear” Ang first reason ng ating Panginoon ay ito; “Nothing is concealed that will not be revealed, no secret that will not be known.” Ang ibig po niyang sabihin ay ganito, that “Truth will eventually prevail, whether in this world or in the next world, hinde natin alam,, pero alam natin at tiyak, truth will eventually prevail. And that is why, my dear friends, ang sinasabi ni Hesus, “Huwag kayong matakot to be on the side of truth, dahil tiyak, panalo ka”.
The second reason given by Christ for telling his apostles “No Fear” is this; “Do not be afraid of those who kill the body but cannot kill the soul; rather be afraid of the one who can destroy both soul and body in Gehenna”. Gehenna is another term for hell. Ang ibig sabihin ni Hesus ay ganito, dahil ikaw ay nasa side ng katotohanan, dahil ikaw ay nagsasabi ng katotohanan, may mga tao na magagalit sa iyo. At ’yang mga taong ‘yan na magagalit sa iyo maaring saktan ka nila dahil sa pagsasabi mo ng katotohanan. Pero all that they can do to you is inflict physical pain pero di nila pwedeng patayin ang iyong kaluluwa. Jesus offered his life for our salvation because, ang iniisip niya noon, walang kuwenta ito, doon naman sa reward na makukuha ko sa kabilang buhay”.
The Third and final reason na ibinigay ni Hesus for telling his apostles, “No Fear” is this. “Tingnan n’yo yung mga sparrows walang babagsak sa lupa “without your Father’s knowledge”, sabi niya ditto sa Ebanghelyo. And that is his point. Kung ’yun ngang sparrow na dalawA-singko ay inaalagaan ni Hesus, ikaw pa kaya? Tao! Ikaw tao, who is worth more than all the sparrows? Sa tingin n’yo ba, hinde ka aalagaan ng Diyos? Bawa’t isa sa atin ditto, is VERY PRECIOUS in the eyes of God. Therefore, DO NOT FEAR to stick it out with God. Ano ang sinabi ni Hesus ditto sa Ebanghelyo? Well, it’s this. Kung ditto sa ibabaw ng mundo, you will deny me in front of men, pagdating sa kabilang buhay, I will deny you in front of my Heavenly Father. Pero, kung ditto sa ibabaw ng mundo, you will testify on my behalf, sa kabilang buhay, I will testify on your behalf before my Heavenly Father. Be not AFRAID.
Rev. Fr. Rafael T. Cruz. Go and Preach (Year A)
No comments:
Post a Comment